top of page

Mga sintomas ng pagiging acidic

  • Shane M. Ludovice, M.D
  • Dec 19, 2019
  • 2 min read
Acidic & Hyperacidity - bulgar Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane, Bakit kaya minsan, pagdighay ko ay parang may maasim na lumalabas galing sa aking sikmura? Ang sabi ng workmate ko, baka raw acidic ako. Ganu’n ba kapag acidic? — Nestor

Sagot Ano ang dahilan ng pagiging acidic?

Ang isa sa mga dahilan ng pagiging acidic ay ang pagkakaroon ng sakit sa tiyan na kung tawagin ay hiatal hernia, isang uri ng luslos. Ito ay nangyayari kapag ang mataas na bahagi ng sikmura ay gumalaw paitaas sa diaphragm.

Sa ordinaryong pagkakataon, ang diaphragm ay tumutulong na mapanatili ang acid sa sikmura, ngunit, kung ikaw ay may hiatal hernia, ang asido na naipon sa sikmura mo ay maaaring mapunta sa esophagus na dahilan ng mga sintomas sa pagiging acidic.

Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng taong acidic:

• Heartburn • Lasang suka sa bibig • Matinding kabag • Pagdumi ng maitim o may dugo o pagsusuka na may kasamang dugo • Pagdighay • Pagsinok nang matagal bago lubusang mawala • Pagkahilo • Tunog na parang sumisipol kapag humihinga • Pagkapaos • Hindi maalis-alis na pamamaga ng lalamunan

Ano ang gamot sa acidic? Ang pag-iwas sa ilang uri ng pagkain at inumin ay pinakamabisang paraan upang gamutin ang hyperacidity.

Narito ang ilan sa mga payo tungkol sa gamot sa acidic: • Kumain nang kaunti pero mas madalas sa buong araw. • Huminto sa paninigarilyo. • Iangat ang ulo ng apat hanggang anim na pulgada kapag matutulog. • Subukang matulog sa upuan tuwing hapon. • Huwag magsusuot ng masikip na pantalon. • Kung sobra ang timbang o katabaan, sikaping magbawas ng timbang sa pamamagitan ng ehersisyo at pagbawas sa pagkain. • Magtanong sa doktor kung ang maintenance medicine na iniinom ay nagdudulot ng acid sa sikmura.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page