top of page

Demanda sa 'ex' ni Vice, iniatras na... GF ni Ray Parks na tinawag ni Calvin ng p*ta, binaya

  • Beth Gelena
  • Dec 14, 2019
  • 3 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @rivermaika (left)/ PBA Images (right)

Nakausap namin ang former Girltrends member na si Maika Rivera na isang mahusay na tennis player-dancer-actress. Kasama siya sa Sandugo na napapanood sa Kapamilya Network tuwing hapon pagkatapos ng Kadenang Ginto.

Na-confuse kami nang makita namin si Maika sa Orthopedic Hospital auditorium na nagbibigay-saya sa mga cancer patients.

Naroroon ang PMPC carolers sa imbitasyon ni William Tiu para rin magbigay-saya sa mga taong may matinding karamdaman.

Nasa stage si Maika nang sabihin niyang isasama na rin niya sa entablado ang PBA baskeball player na si Bobby Ray Parks, Jr. ng Blackwater na ngayon ay nasa Talk ‘N Text.

Naging palaisipan sa amin ang relasyon nilang da­lawa dahil sa pag-aakalang ang RnB singer na si Jay-R ang boyfriend ni Maika.

After magbigay-saya nina Maika at Ray ay nilapitan namin ang dancer-actress.

Tanong namin sa kanya “Hindi na pala si Jay-R ang boyfriend mo?”

Natawa si Maika. Aniya, “Hindi po ako ‘yun. Si Mika Reyes po ang girlfriend ni Jay-R. Ka­sa­mahan ko rin po siya sa GirlTrends.”

Ayon sa Kapamilya actress, tatlong taon na silang magkarelasyon ni Ray.

Nakunan namin ng kaunting pahayag ang dalaga hinggil sa hidwaan ng kasamahan niya sa pagsasayaw na sina Dawn Chang at Chie Fi­lo­meno.

Ayon kay Maika, dumarating daw talaga ang pag­kakataon na ang bawat isa sa kanila ay nag­ka­ka­tam­puhan pero ayaw niyang magsalita kung ano ang pinag-ugatan ng ‘diumano’y away ng dalawang kapwa dancers.

Nalulungkot si Maika dahil nagkawatak-watak na ang kanilang grupo. Pero dahil may acting ta­lent ang dancer ay nagkaroon siya ng fallback.

Una raw siyang sumabak sa acting sa pelikula nina Ge­rald Anderson at Arci Muñoz, ang Always Be My Maybe.

Off-beat ang role niya sa Sandugo bilang misis ni Kiko Matos na may relasyon sa kanyang boss na si Aljur Abre­nica bilang si Leo.

Nang i-Google namin ang name ni Maika, du’n lang namin nalaman na may isyu pala sila ng boyfriend na si Ray sa isang Phoenix PBA player na si Calvin Abueva na matatandaang na-link kay Vice Ganda noon.

Ayon kay Calvin, tinawag siyang ‘monkey’ ni Maika habang mainit ang labanan ng Phoenix at Blackwater last May 2019.

Sa Twitter account ni Maika, sinabi niyang wala si­yang sinasabing masama laban kay Abueva dahil ang boyfriend niya ay isang half Filipino, half African-Ame­rican.

“I did not call him a ‘monkey.’ Never did that word come out of my mouth. As you all know, I’ve been dating Ray Parks, Jr. for a year now, who is also half Filipino, half African-American. It would be disrespectful and discriminatory to call anyone that word. I’m in an interracial relation and I’m proud of that.”

Ayon sa Sandugo actress, si Abueva raw ang ‘nag-umpisa’ nu’ng nagtsi-cheer siya sa boyfriend.

Hindi aware si Maika na fouled out si Calvin. Nagpa­alam pa raw siya sa grupo by saying ‘Bye.’

“As he walked closer to us, mind you, we were sitting courtside and that’s all we said. ‘Bye.’ No more, no less,” paliwanag ni Maika sa kanyang socmed.

Du’n na raw siya sinabihan ng b***h nang dalawang beses ng suspendidong si Calvin.

Inamin naman ni Maika na nag-dirty finger siya sa PBA cager matapos siyang sabihang b***h.

Marami pa raw kabalbalang aksiyon si Abueva na pa­tungkol sa kanya kasama ang ibang kasamahang Phoenix players.

Makikita raw ang lahat ng aksiyon ni Calvin na pinagpipiyestahan na sa YouTube.

“One of the players were even caught repeating a short version of what the Phoenix player did and was caught on live television and on YouTube now,” saad pa ni Maika.

Balitang magpa-file diumano ng demanda si Maika.

Ayon naman kay Abueva, si Maika raw ang nauna.

Dinepensahan ni Ray ang girlfriend at sinabing hindi racist si Maika.

To make the story short, humingi raw ng apology si Abueva. Dahil sa nangyari, nagbayad ng P20K ang Phoenix matapos maimbestigahan ang insidenteng kinasang­kutan ng kanilang player.

Nag-follow up kami kay Maika sa nasabing isyu. Text niya sa amin, “As far as I know po, Calvin apologized po sa amin but I heard it that through a 3rd party and not personally sa ‘kin, at least. All of his statements against me were false as confirmed by a reliable source. Which is why that was enough for me, I don’t wish to ‘demanda’ him naman as long as he doesn’t prolong or make false statements or make sexual gestures towards me, or anybody for that matter.”

Para kay Maika, closed na ang isyu sa kanila ni Cal­vin. Tutal, magpa-Pasko naman kaya give love on Christmas day.

Very well said, Maika.

 
 
 

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page