top of page
Search

Away sa sugal.. 3 pinagbabaril sa lamay

Maeng Santos

Dalawa katao kabilang ang 17-anyos na binatilyo ang nasawi habang isa ang sugatan matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa isang lamay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Jasper Esliza, out-of-school youth ng Bgy. 144 at Crisanto Santiago, 29, helper, ng Bgy. 142.

Ginagamot naman sa ospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Joshua Arcega, 27, ng Bgy. 144.

Ipinag-utos na ni Caloocan Police Chief Col. Noel Flores sa kanyang mga tauhan ang follow-up investigation sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

Alas-11:20 ng gabi, naglalaro ng baraha sa lamay sa kahabaan ng Balagtas St., Bgy. 143, ang mga biktima nang dumating ang gunman at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlo bago mabilis na tumakas patungong Malolos Avenue.

Kabilang sa sinisilip ng pulisya na motibo sa insidente ay alitan sa sugal habang ayon sa mga magulang ni Santiago, dati na itong nasaksak at nabaril.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page