Dear Doc. Shane, Madalas akong makaranas ng pangangati ng lalamunan kahit wala naman akong sipon o ubo. Nag-try ako ng lozenges, pero walang epekto. Ano ang dapat kong gawin? — Ali
Sagot Ang pagkakaroon ng makati o namamagang lalamunan ay kadalasang sanhi ng hindi gaanong malubhang medikal na kondisyon at nawawala nang hindi kinakailangan ng paggamot.
![](https://static.wixstatic.com/media/a09711_0928e04bab164bf19d69061b93357319~mv2.jpg/v1/fill/w_800,h_530,al_c,q_85,enc_auto/a09711_0928e04bab164bf19d69061b93357319~mv2.jpg)
Ano ang sanhi ng makating lalamunan?
Sipon
Laryngitis
Pagkakaroon ng beke
Tonsillitis
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga karaniwang sanhi ng makati o namamagang lalamunan. Ang mga impeksiyong dulot ng virus at bakterya ang dahilan ng pagkakaroon ng makati at namamagang lalamunan.
Ang pamamaga ng lalamunan na nagtatagal ng mahigit isang linggo ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:
Iritasyon ng lalamunan dahil sa init ng panahon
Paninigarilyo
Madalas na pagsigaw
Paghinga gamit ang bibig tuwing barado ang ilong
Acid reflux
Sobrang pagkapagod
Ano ang gamot sa makating lalamunan?
Ang gamot sa makati at namamagang lalamunan ay depende sa sanhi ng pamamaga.
Kadalasang sanhi ng makating lalamunan ang impeksiyon na dulot ng virus, mahalagang tandaan na ang pag-inom ng antibiotic ay hindi makatutulong upang mawala ang iyong sakit. Ang antibiotic ay hindi gamot sa anumang impeksiyong dala ng virus.
Kung ang sanhi ng makating lalamunan ay dulot ng bakterya tulad ng streptococcus, ikaw ay maaaring bumili ng gamot tulad ng strepsils na hindi na nangangailangan ng reseta. Ang bactidol ay maaaring gamitin para labanan ang makati at namamagang lalamunan na dulot ng impeksiyon na sanhi ng bakterya. Makatutulong din ang pagmumumog ng warm water at lagyan ng isang kutsarang asin.