top of page
Search
Vinia Vivar

Todo-tutol sa halikan ng anak sa mas bata… Annabelle kay Ruffa: Kadiri ka, ha?! matanda ka na, maki

Balik-ABS-CBN din si Ruffa Gu­tier­rez dahil kasama siya sa serye nina Kim Chiu at Xian Lim na Love Thy Woman.

“‘Di ba, na-delay ‘yun, because ‘di ba, Erich Gonzalez resigned? So they had to re­shoot the scenes, and sa istorya actually, mga 3rd or 4th week pa ako pa­pasok sa teleserye.

“So, since inulit nila lahat ‘yun, med­­yo na-delay. So ngayong December, mag­­te-taping na ako. Sabi ko, ‘Naka­li­mutan ko na nga ‘yung role ko, ano ba ‘yung role ko ulit?’” natatawang sey ni Ruffa.

Comeback teleserye bale ito ni Ruffa since sa TV5 pa raw ang last series niya. Pero happy naman ang aktres na nasa punto na siya ngayon na stable na rin ang estado at hindi na kailangang mag­trabaho sa showbiz nang kayod talaga.

“I’m just happy and grateful that I’m given the chance to choose my projects and not work the way I worked before. Si­yempre, alam mo na­man ang showbiz ‘di ba? ‘Pag bata ka, baguhan ka, tala­gang super-kayod to death ka.

“So, thankful naman ako na marami akong investments na maganda na hindi ko na kaila­ngang masya­dong mag­puyat nang hindi ko gusto ‘yung project or hindi ko gusto ‘yung gina­gawa ko,” she said.

Kaya kahit wala si­yang masyadong projects ay ku­mikita pa rin siya especially now na kahit sa social media at internet lang ay pu­wede nang kumita.

When asked kung kaya pa ba niya ang mga daring scenes tulad ng mga May-December theme na younger ang leading man, naiku­wento ni Ruffa na may tinanggihan na nga ang mommy at manager niyang si Annabelle Rama na kissing scene sa isang teleserye na hindi na niya binang­git kung ano.

“Well, actually in-offer-an ako ng te­le­serye na may kissing scenes. Bago pa na­karating sa akin, tinanggihan na ni mom­my. Kadiri raw. ‘Naku, kadiri ka, ha?’ gan­yan-ganyan, ‘Matanda ka na, magki-kissing scene ka pa?’ (sabi ni Annabelle).”

Pero okay naman daw sana sa kanya since made for TV lang ang kissing scene at hindi naman ‘yung matindi talaga. Pero ayaw daw talaga ng kanyang ina kaya wala na siyang nagawa.

Tawa kami nang tawa dahil mas hindi pa pala siya puwedeng makipag-kissing scene ngayong matanda na siya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page