top of page
Search
Jersy Sanchez

Sobrang pag-inom ng tubig, nakakapamaga ng utak, mga kamay at paa


Nasanay na tayo na pina­pa­­yu­hang umi­nom ng walo hang­gang sampung baso ng tubig kada araw dahil sa pani­niwa­lang nakatutulong ito para ma­natiling malu­sog at may healthy skin. Pero tulad ng sinasabi nila, lahat ng sobra ay nakasa­sama. Awww! Mga besh, alam n’yo ba na ang sob­rang pag-inom ng tubig ay may masamang epekto rin?

1. PALAGING NAIIHI. Ang madalas na pag-ihi ay hindi komportable at medyo hassle. Bagama’t, maraming rason kung bakit nangyayari ito, ang numero-unong san­hi ay ang sobrang pag-inom ng tubig. Ayon kay Dr. Sangeeta Mahajan, MD, kapag higit sa pitong beses umiihi ang indibidwal kada araw, dapat magbawas ng iniinom na tubig at obserbahan kung may pagbabago. At ka­pag palaging bumabangon sa gabi para umihi, dapat bawasan na rin ang kinokon­sumong tubig bago matulog.

2. WALANG KULAY ANG IHI. Sey ng experts, ang dark yellow na ihi ay hindi magandang senyales, gayundin ang colorless na ihi. Dapat umanong light yellow ang kulay ng ihi at ayon sa UC San Diego Health, ang colorless na ihi ay senyales ng sobrang pag-inom ng tubig at nadi-dilute ang mga crucial electrolytes.

3. SOBRANG PAGOD. Kapag nagpa-function ang kidney sa loob ng maraming oras para ma-filter ang lahat ng tubig na nakonsumo at mabalanse ang fluid levels sa katawan, maaaring makaranas ng adrenal fatigue, gayundin ang pagtaas ng stress hor­mones.

4. NAMAMAGANG KAMAY AT PAA. Ayon sa mga eksperto, kapag hindi balanse ang blood sodium level, kusang kikilos ang mga fluids para maitama ito at ang pagbabalanse ang nagiging sanhi ng pamamaga ng mga kamay at paa. Bagama’t, karaniwan itong nangyayari kapag nasob­rahan sa maaalat na pagkain ang indibidwal, kailangan nitong uminom ng tubig para ma­tunaw ang mga ito. Gayunman, ang pama­maga ng mga kamay at paa ay delikado.

5. PANANAKIT NG ULO. Tulad ng nabanggit, ang over-hydration ay nagrere­sulta sa sodium imbalances, gayundin, na­pupuno ng fluids ang mga brain cells na nagiging sanhi ng pamamaga ng utak. Ga­yunman, ang pamamaga ay naglalagay ng pressure sa ulo na nagreresulta naman ng pananakit nito.

Oh mga beshies, nariyan ang mga ba­gong rason para maniwala na lahat ng sobra ay nakasasama. Ha-ha-ha! Walang problema kung ayaw n’yong ma-dehydrate, pero make sure na hindi kayo sosobra sa inirereko­men­dang dami ng water intake kada araw upang hindi maranasan ang mga nabanggit sa itaas.

Gets mo?

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page