top of page
Search
V. Reyes

Ex-Gov. Grace Padaca, guilty sa graft


Hinatulan ng Sandiganbayan na mapiit si dating Isabela Governor Grace Padaca dahil sa mga kasong graft at malversation of public funds.

Batay sa desisyon ng 3rd Division ng Anti-Graft Court, parusang pagkakakulong ng 12 hanggang 14 na taon dahil sa kasong malversation at anim hanggang 10 taong pagkakapiit dahil sa katiwalian.

Nag-ugat ang kaso na inihain noong 2007 dahil sa sinasabing iregularidad sa P25 milyong agricultural fund na ipinautang sa non-government organization (NGO) na Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation, Inc. na walang public bidding noong 2006.

Pinayagan namang magbayad ng piyansa na P140,000 si Padaca para pansamantalang makalaya habang iniaapela ang hatol.

Mariin namang itinanggi ni Padaca ang alegasyon laban sa kanya.

“I don’t even know what to say, ‘yung P25 million na ‘yun ni isang sentimo walang napunta sa akin, lahat napunta sa magsasaka ng Isabela,” ani Padaca.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page