Bulgarific
Hello, Bulgarians! Bilang parte ng pagsuporta sa mga ipinamana sa ating talento at kultura, ang favorite nating biscuit mula pagkabata, ang Rebisco ay nagbalik-tanaw sa pamamagitan ng kanilang Special Designer Tin Cans.
Ang Rebisco kasama ang Regional Lead School of the Arts of Angono (RLSSA) at ang iba pang kilalang artists ay nagtulung-tulong para mabuo ang tema ngayong taon. Ibinahagi ni Rey de los Reyes, Marketing director ng Rebisco, na kapag naririnig natin ang salitang heritage ay dalawang bagay ang una nating naiisip — ito ay ang heritage ng Angono bilang lunduyan ng mga art at cultural treasure at heritage ng Rebisco Special Designer Tin Can bilang isa sa mga nakasama na sa kultura ng mga Pinoy na paboritong biscuit noon pa man.
Ngayong taon, ipinamalas ng limang artists ang disenyo sa Rebisco Special Tin Can. Ito ay sina Dominic Rubio, Aljo Pingol at tatlong estudyante mula sa kauna-unahang art-based academic school sa Angono, Rizal, ang RLSSA — sina Julia Baluyut, Dave Dauz at Lyra Lacanaria.
Kilala ang Angono, Rizal bilang Art Capital ng Pilipinas. Ito ay dahil sa mga kilalang artists tulad ng Blanco Family dahil ang buong pamilya nila ay pintor! Ilan pa sa mga kilalang artists dito ay si Carlos “Botong” Francisco at ang National Artist of the Philippines for Music na si Lucio San Pedro.
Bilang pagsuporta sa natatanging yaman ng Angono ay nagbigay ang Rebisco sa RLSSA ng art materials na makatutulong sa mga aspiring young artists para maipagpatuloy ang kanilang natatanging talento.
Dagdag pa ni De los Reyes, sa ibang tao, ang pagpipinta ay isa lamang libangan, ngunit, sa mga estudyante, ito ay isang ticket para sa magandang kinabukasan. Ipinagmamalaki rin nila na ang ilan sa mga nakapagtapos sa RLSSA ay successful artist at art practitioner na.
Saktung-sakto ngayong nalalapit na Kapaskuhan, ang Special Tin Cans ay available na nationwide sa halagang P175 lamang! Tunay ngang “ang sarap sa feeling mo” na maibahagi hindi lang sa buong bansa kundi sa buong mundo ang itinatagong yaman ng talento ng mga Pinoy kasama ang paborito nating biscuit!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo