top of page

Babala ng experts... Pagtulog nang basa ang buhok, nakakaparalisa ng mukha

  • Jersy Sanchez
  • Nov 14, 2019
  • 2 min read

Palagi nating naririnig sa mga nakatatanda na ang pagtulog nang basa ang buhok ay nakasasama sa kalusugan at kahit hindi natin alam kung paano ito nakasasama, sumusunod naman tayo. Gayunman, may ilan namang pasaway na hindi sumusunod dahil hindi umano ito totoo.

Pero mga besh, alam n’yo ba na ang pagtulog nang basa ang buhok ay may masama talagang epekto sa atin? Sey ng experts, ito ay maaaring maging sanhi ng Bell’s Palsy o pagkaparalisa ng kalahati ng mukha. Ano raw?!

Ang facial paralysis ay pagkawala ng kilos o galaw ng facial muscles dahil sa nerve damage. Maaaring ang ilang muscles sa mukha ay bumagsak at manghina kung saan puwede nitong maapektuhan ang isang bahagi ng mukha or worse, buong mukha pa.

Ayon sa mga eksperto, malaki ang posibilidad na mangyari ito nang biglaan o kaya paunti-unting lumala. Gayundin, ang sakit na ito ay maaaring magdulot ng panandalian o permanenteng epekto sa mukha.

Kapag natutulog, ang katawan ay nasa estado ng pagre-relax kaya ang enerhiya ay mahina lang.

Sey ng experts, kapag natutulog nang basa ang buhok ang indibidwal, ang dugo sa mga ugat ng mukha ay madaling makasagap ng lamig at impeksiyon na maaaring maging dahilan ng facial paralysis.

Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na itigil ang gawaing ito at mabuting magpatuyo muna ng buhok bago matulog. At bago maligo, siguradong nakapagpahinga nang mabuti upang hindi makasama sa katawan ang pagligo.

Samantala, kabilang sa mga sintomas na maaaring mauwi sa pagkaparalisa ng mukha ay ang pamamanhid ng mukha, hirap sa paggalaw ng muscles, hirap sa pagbuka ng bibig, hindi napapansing tumatagilid ang bibig, masakit na leeg at likod na bahagi ng tainga.

Babala ng mga eksperto, hindi umano dapat balewalain ang nakasanayang ito dahil dapat itong itigil upang hindi mauwi sa malalang karamdaman.

Oh, mga besh, alam n’yo na, ha? Minsan, hindi masamang sumunod sa mga kasabihan dahil wala namang mawawala sa atin.

Kung may mabuting epekto, eh, di oks, at least, hindi tayo napahamak at nagsisi sa bandang huli.

Gets mo?

 
 
 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page