![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_8289f30d0b5d491684dca27fe61faa5d~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/5376bf_8289f30d0b5d491684dca27fe61faa5d~mv2.jpg)
Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag magbigay ng limos sa mga katutubo at bata sa mga lansangan.
Ipinaalala ng DSWD ang Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law na nagbabawal sa pamamalimos o paghingi ng donasyon ng indibidwal o grupo sa lansangan.
Ayon sa kagawaran, may mga alternatibong paraan ng pagtulong tulad ng feeding sessions, organized gift-giving at medical missions.
Nalalagay umano sa panganib ang kaligtasan ng mga nanglilimos sa mga lansangan.