top of page
Search

Mag-asawang nag-away at naghiwalay, magkakabalikan para sa anak

Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Magdadalawang taon pa lang kaming nagsasama ng mister ko. Ang problema, madalas kaming nagkakagalit kaya itatanong ko kung magkakabalikan pa ba kami? Hiwalay kami ngayon at pansamantala akong nakatira sa bestfriend ko.

  2. Nu’ng isang araw, tumawag siya at sinabing mag-usap kami para sa anak namin, pero hindi ko siya sinagot.

  3. Dapat ko pa ba siyang kausapin kung makikipagbalikan ako sa kanya, hindi na kaya kami ulit mag-aaway tulad ng dati kung saan nagkakasakitan kami ng damdamin?

Kasagutan

  1. Lahat ng mag-asawa ay nag-aaway dahil ang pag-aaway ng mag-asawa ay bahagi ng relasyon na tinawag na transition period, kumbaga, kung noong binata o dalaga pa kayo at wala pang anak, ngayon ay bago na ang buhay mo, bukod sa may asawa ka na ay may anak ka pa.

  2. Kaya ang pagbabagong ito ng estado ng iyong pamumuhay ay sadya at talagang daan sa mga manaka-nakang pagsubok at hindi pagkakaunawaan.

  3. Gayunman, dahil mag-asawa na kayo at nagmamahalan, ‘yung “bonding” na ‘yun ng pagmamahalan at pagkakaroon ng anak ang magsisilbing pandikit upang kayo ay muling magpasensiyahan at magkaunawaan at muling buuin ang pamilya, lalo na ngayong malapit na ang Pasko.

  4. Bagama’t, dalawa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, pansinin mo ang puwang sa pagitan ng dalawang Marriage Line (arrow a, at b.), hindi ba, masyadong maliit o halos magkatabi ang dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) na nabanggit? Ito ay tanda na pansamantala kayong magkakahiwalay, ngunit, ang paghihiwalay na nabanggit ay hindi gaanong magtatagal kung saan nakatakda na ang magaganap, sa ayaw at sa gusto mo, muli kayong magkakasundo upang muling mabuo ang masaya at panghabambuhay na pagsasama.

Dapat Gawin

Habang, ayon sa iyong mga datos, Gwen, anuman ang iniisip mo ngayon, isa lang ang magaganap at mananaig. Wala kang magagawa kundi muling tanggapin si mister upang bago sumapit ang Pasko ngayong taon, magaganap ang nakatakda, muling mabubuo at magiging maligaya ang inyong pamilya.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page