top of page
Search
BRT

Gamit ang cellphone, biktima bini-video.. Boso sa fitting room ng mall. buking!


Photo: Ellnea Nica

Huli ang pamboboso ng isang lalaki sa babaeng nagsusukat sa fitting room ng isang mall sa Maynila.

Sa ulat sa Unang Balita, nagsusukat ang biktima nang makita nitong may nakatapat na cellphone sa fitting room kung saan siya nagsusukat ng mga swimwear.

Sa CCTV footage ng establisimyento, makikita ang biktima na pumasok sa fitting room noong October 30 ng gabi para magsukat ng swimsuit.

Gayunman, pagsara nito ng pinto ay lumapit ang lalaking suspek na lumuhod para magtali kuno ng sapatos saka itinapat ang cellphone sa loob ng fitting room.

“Nakailang sukat na ako ng swimwear. Pagyuko ko nakita ko may nakatapat na phone sa akin at nasipa ko pa palabas. Sumigaw ako ng, ‘bastos ka’, pahayag ng biktima.”

Kaugnay nito, ipinost ng biktima ang CCTV footage sa Facebook para matukoy ang suspek at naipa-blotter na umano niya sa Manila Police District ang insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page