Tuluy-tuloy pa rin ang bangayan ng Barretto sisters sa social media pati na ang kanilang matriarch na si Estella ‘Inday’ Barretto.
Mukhang dehado na sa paramihan ng kakampi si Marjorie ‘Itchy-veri’ Barretto, ayon kay Gretchen Barretto. Magkakampi na kasi ngayon sina Mommy Inday, Gretchen, JJ at Claudine, habang si Marjorie, suportado ng kanyang mga anak.
But actually, ‘di lang ang pamilya Barretto ang nalalagay sa malaking family problem. May dalawang pamilya kaming naaamoy na may hidwaan din. ‘Yung isa ay nasa korte na ang usapin at ‘yung isang showbiz family naman ay masusi pa nilang pinag-aaralan kung paaabutin pa sa korte ang kanilang problema.
Well, ‘yung isang family ay lumabas na rin sa mga news at naisulat na rin namin ang side rito sa BULGAR. We’re referring to Mike Concepcion, ang younger brother ng aktor na si Gabby Concepcion.
Idinemanda nina Mike si Gabby dahil sa diumano’y pamemeke ng pirma ng kanilang ina na naninirahan na sa US para maibenta ang isang very valuable asset ng pamilya.
Now, we heard na dumating na raw sa bansa ang ina nina Gabby at Mike. Duda ng ilang showbiz kibitzers ay baka humarap sa korte ang ina ni Gabby para patunayan na ‘di siya pumirma sa dokumento at pineke lang ng tatay nina KC at Garie Concepcion ang pirma ng kanyang ina.
Sa legal case na isinampa nina Mike, mukhang solo flight si Gabby sa laban niya among Concepcion siblings.
Kung hanggang saan at papaano matatapos ang kaso ng pamilya Concepcion, that we all have to wait.
The other famous showbiz clan naman na nabanggit namin is yet to decide kung kailan sila magpa-file ng legal case sa korte against sa kamag-anak din. Last month pa namin nabalitaan ito and the date na na-mention ng aming source on when they will file a case is due na.
So probably, anytime now ay nasa korte na ang case or baka na-delay pa.
At any rate, nakakalungkot na kailangang umabot sa pagkakahati-hati ang mga kilalang showbiz families.