Arinola, inidoro at kabuti senyales na sobra-sobrang susuwertehin sa negosyo
- Socrates Magnus
- Nov 5, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Shen ng Shen _Marquez@facebook. com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nanaginip ako ng maraming damit na lumalabas sa inidoro, tapos iba’t ibang kulay at umaapaw pa habang hinihila ko. Malinis ‘yung tubig kaya hila lang ako nang hila hanggang sa pati ‘yung kuwarto ay umaapaw na at hindi matapus-tapos ang paghila ko. Napanaginipan ko rin na nagbubunot ako ng mushroom na hindi pa namumukadkad at lahat ng hawak ko ay nauulam at mayroon ding hindi nauulam kaya hindi ko kinukuha.
Naghihintay, Shen
Sa iyo, Shen, Ganito ang sabi, ang arinola ay suwerte sa negosyo. Marami ang nag-aakala na pamahiin lang ito, pero sa arinola inilalagay ng mga negosyante ang pera kaya ito ay totoo dahil ang kanilang buhay ay umunlad dahil sa arinola.
Nakatutuwa na nakakatawa, dahil ang arinola na pinaglalagyan ng dumi ng tao ay puwede palang magpayaman sa tao. Iyan mismo ang naranasan ng may arinola sa tindahan.
Napansin mo ba ang huling salita na “sa tindahan” na ang ibig sabihin ay sa maliit na negosyo, ang arinola ay pampasuwerte kaya sa mga nananaginip ng arinola, maraming benta ang mapupunta sa kanila.
Paano na kapag ang negosyo ay malaki na, puwede pa rin bang lumaki ang kita nila kapag nanaginip sila ng arinola? Ang sagot ay oo.
Pero dahil mas malaki at hindi na simple ang negosyong pagtitinda, mas magandang mapanaginipan ay ang inidoro, as in, mas malaki sa arinola na iniuugnay din sa dumi ng tao.
Dahil dito, ibinabalita ng iyong panaginip na ang kikitain ng negosyo mo ay halos hindi mo na mabilang na parang ikaw ay sobrang buwenas. Ganundin ang mushroom, simbolo ito ng biglaang pagdami ng mga tubo sa negosyo, as in, malaki at marami ang tutubuin ng puhunan mo sa iyong pinagkakakitaan.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo
Comments