top of page
Search

Atong, tanggap ang anak nila ni Kristine pero 'di sa kanya nakapangalan

Mercy Lejarde

May pahabol na mensahe thru Facebook Messenger si Kristine Garcia kay yours truly nito lang nakaraang All Souls’ Day na may kinalaman sa anak at apo nila ni Atong Ang at may mga kasama pang pictures na wish niya ay mailagay daw sana, pati ang naging love story nila ng kanyang present husband na si Poj, dahil inspiring daw para sa mga would-be lovers at sure raw siya na maraming mai-inspire, na ewan lang kung makaka-relate at mai-inspire rin ang Barretto sisterakas, pati na ang kanilang nieces na sina Julia at Nicole.

And here it goes….

“Hi ate! I saw your article. Favor naman po if you could change my photo on it po, I would really appreciate it. If you can use the one below, please?

“My childhood sweetheart who is now my husband. Both our parents tinutukso na po kami noon sa isa’t isa when I was only 6 and he was 9. Now, after 40 yrs., pag­­kamatay na pagkamatay ng mommy ko, bigla s’yang sumulpot. Para s’yang God sent kasi halos magsara ang mundo ko pagkamatay ni Mommy. He literally made me live again. I believe Poj (my husband’s nickname) was sent to me ‘coz my mom knew hindi ako ready nu’ng mamatay s’ya. If Poj didn’t come to my life, baka sumunod ako kay Mom­my right after she passed.”

Tinanong siya ni yours tru­ly if accep­ted ba ni Atong Ang ang love­child nilang da­lawa. Ipi­na­ga­mit ba ang apel­yido nito sa anak nila at pir­mado ba ni Atong ang birth certificate nu’ng ipinanganak niya ‘yung love­child nila para may habol siya sa mamanahin sa rich businessman if ever?

Ang sagot naman ni Kristine, “Accepted n’ya at ng buong pamilya n’ya, pati apo namin, kaya lang, ang gusto n’ya, umuwi rin sa Pilipinas ang anak namin at mag­trabaho sa kanya. Kaya lang, ayaw ng anak ko na ang ipakain sa anak n’ya, eh, galing sa sugal kaya nagtitiyaga s’ya rito sa simpleng buhay.”

Charles daw ang name ng lovechild nila ni Atong at James naman ang name ng ka­nilang apo. Pero hindi apelyido ng negos­yante ang ginamit kasi ang kanyang reason ay… “No. Hindi ko s’ya ipina­ngalan after his dad’s last name po. But he accepts paternity. But he became Charles because of Charlie.

“My son was born in 1988 and bawal po nu’n ‘coz of Pres. Cory and I wanted to follow the law.

Yes po. If the couple is not married, the child cannot have the father’s last name.

“My son is old enough if he wants to get his share. ‘Yung kina Charlie and Greta, they both know kung sino ang niloloko nila and ayokong makiloko sa kanila, so hands-off po ako d’yan. “Although, Charlie introduced Greta na to my son.

“Btw, I tagged you our picture na po.

“That was taken two years ago when we visited Manila.”

And yours truly asked her if ‘yung bata sa photo nila nina Gretchen ay apo na nila ni Atong and Kristine said “Yes.”

At least, sa litrato ay tipong accepted naman ni Gretchen ang anak at apo ni Atong kay Kristine dahil nakangiti naman itey, in pernes.

“Basta ang wish ko lang po kina Charlie and Greta is God’s guidance and forgiveness as I am living a simple and a happy life na with a HUSBAND OF MY OWN!! Taray po ba?

“Yes that’s our grandson na kamuk­hang-kamukha ng lolo.”

So there again, Barretto sisters!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page