Kinukulam o binabarang, sign na kinaiinggitan dahil maganda ang buhay
- Socrates Magnus
- Nov 2, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Sanya ng Sanya_Pineda@facebook.com
Dear Professor, Nanaginip ako na binabarang o kinukulam ako, tapos maraming tumubo sa akin na mga itim at halos hindi na ako makalakad. Nilabanan ko ang mga ‘yun, tapos nagising na ako. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Sanya
Sa iyo Sanya, Kapag maraming naiinggit sa tao, may pagkakataong managinip ito na siya ay binabarang o kinukulam kaya ayon sa iyong panaginip, may naiinggit sa iyo.
Ganito ang buhay ng tao, kaya siya kinaiinggitan ay dahil may mga katangian siya na kainggit-iinggit tulad ng siya ay hindi lang maganda sa pisikal kundi marami pang maganda sa kanya.
Minsan tuloy, parang mas mabuti pa na maging pangit dahil walang naiinggit, pero bakit mo naman gugustuhin na maging pangit?
Kaya kahit maraming naiinggit sa iyo, matuwa ka dahil sigurado na higit kang maganda kesa sa kanila.
Kapag nakita siya ng kanyang kapwa na masaya at maligaya, maiinggit din sa kanya kaya minsan, mapapaisip ka na mas maganda bang maging malungkot na lang kesa masaya?
Sa totoo lang, mas mabuti na maraming kalaban kesa mabuhay sa kalungkutan. Kapag may kakilalang asensado sa buhay, ipinapanalangin ng mga naiinggit sa kanya na sana ay maghirap siya. Gayunman, kinukumpirma nito na siya ay angat kesa sa mga naiinggit sa kanya.
Hindi naman maiiwasan ang mga pagkakataon na maapektuhan tayo ng mga inggitera at inggitero na nagiging dahilan ng paghina ng awra kung saan sila ay nagiging mas malakas kesa sa atin tulad ng nasa panaginip mo.
Ang kulam at barang ay isang misteryo ng mundo, pero ang nakadarama na siya ay nabarang o nakulam ay may simpleng solusyon.
Sa susunod na managinip ka, magagandang pangyayari sa buhay mo ang iyong mapananaginipan.
Kumain ka ng mga prutas tulad ng ubas, mansanas, peras at saging. Huwag mo ring kalimutang kumain ng chocolates lalo na ‘yung mga imported at iwasan mo ang ice cream.
Nakakatawa at hindi kapani-paniwala, pero sigurado na kapag sinunod mo ang nasabing payo, muli, hindi ka na mananaginip ng masama, bagkus, mamumuhay ka nang masaya.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo