top of page
Search
Mylene Alfonso

Delikado sa kalusugan — DOH.. Vape, i-banned


Umapela ang Department of Health para sa ban ng vape o e-cigarettes dahil sa wala umanong magandang idudulot sa kalusugan ng tao.

Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na hindi pa rin napatutunayan na therapy bilang kapalit ng nikotina at maaaring maging sanhi pa ng sakit sa baga.

“If the DOH had its way, we would go for an outright ban,” ani Domingo.

“Ang vape ay nakakasama sa ating kalusugan, hindi po ito ligtas,” giit pa ng kalihim.

Sa kasalukuyan aniya may mahigit isang milyong Filipino o 1 porsiyento ng populasyon ang gumagamit ng e-cigarettes.

Samantala, kinumpirma ng DOH na nakapagtala na ng mga kaso ng Evali sa bansa o mga sakit na nakukuha dahil sa paggamit ng e-cigarette.

Ayon kay Domingo, nakatakdang isapubliko ng DOH ang datos ng Evali cases sa Pilipinas sa mga susunod na linggo.

Inihalimbawa ng kalihim ang mga nakararanas ng hirap sa paghinga gayu’ng wala namang ibang makitang dahilan ang mga doktor para rito.

Sinabi pa ni Domingo na mahalagang mapatawan na rin ng mas mataas na buwis ang mga e-cigarette o kapantay ng buwis na ipinapataw sa mga tobacco product upang mapababa ang bilang ng mga kabataang gumagamit nito bago pa ito maging epidemic sa kabataan tulad sa Amerika.

Batay aniya sa datos mula sa World Health Organization (WHO), nasa 1,604 cases na ng Evali ang naitala sa Amerika kung saan 34 dito ang nasawi.

Binigyang-diin ni Domingo, na ang taxation sa sin products ay isa sa pinakamabisang paraan upag mapatigil ang mga indibidwal sa paggamit ng e-cigarettes at upang mailayo ang mga kabataan sa pagkalulong dito.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page