
Big issue pa ba kung malaman ng lahat na nagkaroon na ng boyfriend ang sexy Kapuso actress na si Sanya Lopez, eh, nasa tamang edad naman siya at hindi na teenager.
Isang Gab Lagman ang sinasabing nakarelasyon ni Sanya at tumagal lang sila ng five months.
Literal kasing pinanghawakan ng ilang netizens ang statement noon ni Sanya na no boyfriend since birth (NBSB), eh, kung tutuusin, “bulaklak lang ng dila” ang linyang iyon na paboritong sabihin ng mga babaeng ayaw munang magseryoso sa larangan ng pag-ibig at umiiwas na magka-boyfriend.