top of page
Search

Taguig Generals, kampeon vs. Pampanga Delta sa NBL

Alvin Olivar

Nakopo ng Taguig Generals ang kampeonato sa National Basketball League (NBL) Season 2 matapos talunin ang Pampanga Delta, 84-75, sa Game 2 ng best-of-three finals noong Linggo sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig City.

Nakumpleto ng Generals ang sweep ng serye upang maging pangalawang kampeon sa liga para sa mga homegrown talents.

Napagwagian din ni Rickson Gerero ang Finals MVP sa pagkopo ng Generals sa titulo.

Umiskor ng 13 points si Gerero upang pangunahan ang pagbalik ng Generals sa 46-29 na pagkakaiwan noong third quarter para masungkit ang korona.

Nanalo ang Generals kontra Delta noong Game 1, 92-82, sa laro na ginanap sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga. “Very sweet kasi all homegrown players at tinrabaho namin. Last season, we were number six. We proved that we can be the champions. Nagulat kami noong start pero decided talaga ‘yung mga players to get the championship. Before, we dominate every game and then we collapse in the fourth quarter. Now, napakita namin how we improved. Nag-mature ‘yung team. Maganda ang outcome,” saad ni Taguig coach Bing Victoria.

Nanguna si Hel Francisco sa scoring pagkaraang gumawa ng 14 points. Nag-ambag ng 13 points si Mike Sampurna habang 10 points at 12 rebounds ang tinala ni Lerry Jhon Mayo para sa Generals.

Samantala, nanalo ng Season MVP si Shin Manacsa ng Laguna Pistons. Nanalo rin ng Mythical 5 si Manacsa, Mayo, CJ Gania ng Pampanga Delta, Jayar Galit ng Parañaque Aces, at Jamil Bulawan ng Camsur Express.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page