top of page

Bukod sa ibinulgar na nangungutang kay Echiverri… Marjorie, pinatutsadahan si Claudine na may dipere

  • Julie Bonifacio
  • Oct 25, 2019
  • 2 min read

Imbes na makuha ni Marjorie Barretto ang sim­patya ng publiko sa tell-all interview niya kay Karen Davila sa TV Patrol ng ABS-CBN, tila mas marami pa ang nag-react negatively sa mga sinabi niya.

Majority ng netizens sa social media ay puro negative ang comments sa mga rebelas­yon ng nanay ni Julia Barretto.

Ilan doon ang nagsabi na ‘di man lang hinintay muna ni Marjorie ang ‘pasiyam’ ng daddy nila na si Mike Barretto bago nagbuyangyang ng ‘dirty linens’ nila sa publiko.

May nag-react din na bakit kailangang banggitin pa ni Marjorie ang ‘di naman related sa rambulan nila sa burol ng Daddy Mike niya, gaya ng mo­lestation issue on her sister, Claudine Barretto, at ang pa­ngungutang ng Optimum Star sa partner niyang si dating Caloocan Mayor Recom Echiverri, na later on ay sinabi rin ni Marjorie na ‘set-up’ lang sa tatay ng bunso niyang anak.

At maging si Claudine ay nilinaw na ‘di siya nangutang kay Echiverri. Sey nga ni Clau­­dine, ang dami niyang puwe­deng utangan, bakit sa dating Caloocan mayor pa siya lalapit?

And speaking of Claudine, bago ang panduduro sa kanya ni Marjorie ay pinapatutsadahan din daw ang aktres ng nanay ni Julia na may diperensiya sa utak.

Hindi yata nasabihan si Marjorie ng anak niyang si Claudia Barretto na foul ‘yung ginawa niya kay Claudine (if true) na panunukso tungkol sa anxiety disorder ng aktres.

Sa huling interview namin kay Claudia, nabanggit niya na she has this advocacy sa mga may mental problems called Mind Games. At sa panayam namin na ‘yun kay Claudia na mapapanood sa aming YouTube channel na Knowdabuzz JBW TV, she admitted na meron siyang mental illness.

And speaking of Know­dabuzz, tutukan ang mga kaga­napan sa pagdating ng famous international vlog­ger na si SnewJ sa Pilipinas ngayong Biyer­nes. Then, sa Sunday (Oct. 27), at 4:30 PM naman ang kanyang meet-and-greet with his fans na magaganap sa Nook Co­wor­­king Studio sa Molito Gar­den, Alabang Town Center.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page