top of page
Search

Bago magtirik ngayong Undas, basahin mo ‘to... Iba’t ibang sinisimbolo ng kandila depende sa kulay

Twincle Esquierdo

Naging tradisyon na natin ang pagsisindi ng kandila tuwing Undas dahil sinisimbolo nito ang pag-alala sa mga yumaong mahal natin sa buhay at madalas, puting kandila ang itini-tirik na sumisimbolo sa kapayapaan.

Ginagamit ito para magbigay-liwanag, pero alam n’yo ba na ginagamit din ito para maka-attract ng iba’t ibang uri ng enerhiya, depende sa kulay? Anu-ano ang kahulugan na mga kulay nito?

1. PULA. Ito ay sumisimbolo ng pagmamahal sa karelasyon, pamilya at kaibigan. Bukod pa rito, ang pula ay nagrerepresenta ng intensity, passion at tapang. Gayunman, ginagamit ang kandilang ito tuwing kaarawan o honeymoon ng bagong kasal upang mas maging romantic.

2. ASUL. Ito ay ginagamit upang maka-attract ng creativity, calming wisdom, peace of mind, lalo na sa mga dumaranas ng stress, partikular ang mga pagod sa trabaho at may pinagdaraanang problema.

3. BERDE. Kayamanan at kasaganahan naman ang sinisimbolo ng berdeng kandila kung saan kapag ito ang sinindihan, makaaakit ng enerhiya na may kinalaman sa pera, fertility, kalusugan at success.

4. LILA. Ang liwanag ng lila na kandila ay tumutulong upang mapabuti ang mental power. Gayundin, nililinis nito ang karma nang sa gayun ay makakuha ng espiritwal na proteksiyon ang nagsisindi.

5. DILAW. Perpekto ang kandilang ito para sa mga taong nangangailangan ng confidence at creativity. Gayundin, para sa indibidwal na nagnanais ng koneksiyon sa isip at naghahanap ng inspirasyon. Sumisimbolo naman ito ng kapayapaan at pagkakaisa ng tao.

6. PUTI. Ito ang karaniwang ginagamit na kandila, gayundin ang pinakamadaling makita at mabili sa tapat ng Simbahan. Sinisimbolo nito ang kalinisan, papuri at pasasalamat sa Panginoon, pati na rin ang kapayapaan at pagkakaisa ng tao.

7. ITIM. Hindi porke itim ay negatibo na ang ibig sabihin. Ang paggamit nito ay nakatutulong para ma-chase down ang mga malicious at negative energy. Samantala, ayon sa mga eksperto, simbolo rin ito ng konsensiya.

Iba’t iba man ang paraan ng paggamit ng kandila, huwag nating kalimutan na magtirik nito sa darating na Undas para sa yumao nating mga mahal sa buhay bilang pag-alala sa kanila.

Copy?

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page