Aabot sa mahigit dalawang libong examinees ang nakapasa sa ginanap na Certified Public Accountant (CPA) licensure examination ng Philippine Regulation Commission (PRC) nitong Oktubre.
Ayon sa PRC, nanguna sa pagsusulit si Justine Louie Bautista Santiago, na nagtapos sa University of Santo Tomas (UST) matapos makakuha ng gradong 90.33% habang pumangalawa si Marlou Borbon Alinsonorin ng University of San Carlos (89.67%).
Ang anak naman ni Sen. ‘Bong’ Go, na si Christian Lawrence Cruz Go ng De La Salle University-Manila ang nasa ikatlong puwesto sa gradong 89.50%.
Nabatid na si Go ay nagtapos bilang summa cum laude, isang gold medalist at kabilang sa Jose Rizal Society ng kanilang unibersidad.
Pasok din sa Top 10 sina Kirk Morales Saromines ng USC (89.30%); Ronald Allan Alvarez Macasero ng University of Caloocan City (89.17% ); Mark Caesar Brozas Rosales ng University of Eastern Philippines-Catarman: (89.17%); Marc Angelo Galvez Santos ng UST (89.17%); Raphael Don Almazan Tantan ng University of the Philippines-Diliman (89.17%); Bill Julius Lagman Ocampo ng UST (89.00%); Marian Princess Apante Sacriz ng Polytechnic University of the Philippines – Main Sta. Mesa (87.83%); Carlos Benedict Fajardo Echevarria ng DLSU-Manila (87.67%); Samantha Mae Colon Mendoza ng USC (87.67%); Alyssa Nicole Dela Cruz Rosario ng UST (87.50%); Khristeen Eve Austria Debolgado ng University of the Philippines -Visayas-Iloilo City (87.33%); Lovel Alegre Dulay ng UST (87.33%); Jhudge Perez Salaya ng UST (87.33%) at Victorina Leonila Mae Palo Santos ng Holy Angel University (87.33%). Nabatid na nasa 14,492 ang kumuha ng Board exam ngunit, 2,705 lamang sa kanila ang nakapasa.