Muling magbabalik ang Philippine baseball sa Southeast Asian region na bitbit ang pasasalamat sa matitikas na batang batters mula sa mga collegiate ranks, mga bagong lider at siyento porsiyentong suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).
Inagapayan ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga ang matingkad na pagbabago sa baseball ng bansa at tinatarget na kunin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games.
“Our biggest competitor in baseball are Indonesia and Thailand because may mga programa rin sila sa mga lower age levels. But I will bet my name, siguradong gold tayo this time,” kumpiyansang saad ni Loyzaga hinggil sa kanyang mga bataan na babalik sa SEAG matapos ang tatlong beses na hindi lumahok sa SEAG.
Ang team ay naglalaro ngayon sa 2019 Asian Baseball Championship sa Taichung, Taiwan bilang bahagi ng final preparations para sa biennial meet.
“We are on schedule. When the men’s team comes back (from Taiwan), I think we’ll have a few practices here and siguro mga two weeks before sometime in the middle of November, doon na sila mag-eensayo sa Clark para masanay na sila sa venue, sa talbog ng bola, sa lahat.”
Makaraang gitlain ang China sa Asian tournament noong Miyerkules, 1-0, natalo sila sa South Korea, 2-12.
Sa parehong araw, tinalo ng China ang Korean, 4-3, napuwersa para sa three-way tie na 2-1 (win-loss) ang Pilipinas, China at Korea.
Sa isang tie-break record, nalagay ang South Korea at China sa super round, kasama ang Japan at host Chinese Taipei.