top of page
Search

Benepisyo sa PhilHealth contribution ng mga OFWs, good news, hindi pahirap

Thea Janica Teh

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Nilinaw ng PhilHealth na hindi pahirap kundi investment sa kalusugan ang pagka­karoon ng health insurance dahil ito ang sasagot sa malaking bahagi ng gastusin sakaling may magka­sakit sa pamilya na naiwan ng mga OFWs sa bansa.

Ito ang pahayag ng ahensiya sa gitna ng pangambang maraming OFWs ang lalabas ng bansa sa ilegal na paraan dahil sa napipintong pagtaas ng kontribusyon na hinihiling na bayaran bago pa sila mag-abroad.

“Ang adjustment sa kontribusyon ay itinad­hana mismo ng Universal Health Care Act of 2019 upang matustusan ang paglawak ng mga benepisyong ipagkakaloob sa mamamayan kasama na ang mga OFWs,” ani BGen. Ricardo Morales, pangulo at punong tagapagpatupad ng ahensiya.

Ayon sa Batas UHC, tataas mula sa kasalukuyang 2.75% hanggang 5% sa susunod na limang taon ang kontribusyon ng Direct Contributors kung saan kabilang ang mga OFWs. Sa unang taon ay lumala­bas na mula P9 hanggang P46 kada araw depende sa kinikita ang magiging kontribusyon nila sa programa. Ito ay itinuturing na pinakamababa pa rin sa bansa kumpara sa mga private health insurance.

Sa UHC, ang bawat Pinoy kasama ang mga OFWs ay magkakamit ng mas pinagandang benepisyo sa pagpapaospital, outpatient at expanded primary care package (ePCB) na hindi na kailangang magkasakit para lamang magamit. Kabilang sa ePCB ang konsultasyon sa doktor, preventive at promotive services, laboratoryo at gamot sa hypertension, diabetes, asthma at iba pa.

“Hindi ito ang dapat tingnan na pahirap dahil napakalaki ng tulong nito sa mga OFWs para sa kanilang kapanatagan. Ang pahirap ay ang gastusin dahil sa malubhang karamdaman na madalas ay ipinangungutang ng mga kababayan natin,” paliwanag pa niya.

Bukod pa rito, kinonsulta at masusing tinalakay muna ito sa iba’t ibang grupo ng mga OFWs at employers bago pa naisabatas ang UHC. Patuloy din ang kanilang pakikipag-usap sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung paano lalong mas mapadadali ang proseso ng pagbabayad bilang tugon na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing simple ang mga sistema at proseso sa mga ahensiya ng gobyerno.

”Walang kapalit ang hatid nitong peace of mind sa mga OFWs. Payapa silang makapag­tatrabaho sa ibang bansa dahil alam nilang may PhilHealth coverage ang kanilang mga mahal sa buhay,” pagdiriin ni Morales.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page