top of page
Search

'Di raw ex-GF... Atong: Nicole, inalok lang sa 'kin ng nanay

Julie Bonifacio

Nakakahinga na marahil nang maluwag ang ina ng Barretto sisters na si Mommy Inday Barretto after ma-cremate ang mister niyang si Miguel ‘Mike’ Barretto nu’ng Sabado.

At least, wala na siyang ipag-aalala na baka mag-away-away ulit ang kan­yang mga anak.

Sa kabila nito, ‘di pa rin nawala ang tensiyon sa paghahatid ng Barretto family sa huling hantungan sa kanilang padre de familia.

Ayon sa aming source, may naganap din palang “komprontasyon” after the cremation.

But this time, ang involved ay ang ‘controversial niece’ nina Claudine, Marjorie at Gretchen na si Nicole at ang famous celebrity na si Atong Ang.

Ang info na ipinarating sa amin ng reliable source, hinarap daw ni Atong Ang si Nicole, pati na rin si Marjorie after the cremation.

Malamang, may kinalaman ito sa kumalat sa social media na post si Nicole na inagaw ni Gretchen ang boyfriend niya na si “Atong”.

Nilinaw ni Atong kay Nicole at sa pamilya nito na hindi niya naging girlfriend ang pamangkin ni Gretchen sa kapatid niyang si JayJay.

Ang mas masakit pa nito ay nu’ng si Atong mismo ang nagsabi sa harap ng pamilya ni Nicole na inilako lang siya ng nanay niya sa mayamang negosyante. At, si Nicole ang nang-agaw kay Atong mula sa tiyahin din niyang si Claudine.

Pagkatapos daw noon, nakayuko ang ulo at malungkot na ang mukha nina Marjorie at Nicole sa harap ng pamilya nila hanggang matapos ang cremation.

Kaya all throughout daw ng cremation, Mommy Inday stayed all the time sa side ni Gretchen.

And after the cremation, magkasamang nag-lunch sina Mommy Inday, Gretchen, Claudine at ang ama ni Nicole na si JayJay.

Sabi pa ng aming source, malamang ay alam na ni Mommy Inday ang buong kuwento kaya naman maluwag na tinanggap niyang muli si Gretchen.

Say nga ni Claudine sa amin, promise niya na siya na ang mag-aalaga sa mommy niya. And for sure, pati si Gretchen ay todo-support na rin kay Mommy Inday.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page