
For sure, tulad namin ay windang na windang pa rin ang madlang pipol sa mga kaganapan sa teleserye ng totoong buhay ng pamilya Barretto.
Ang inaasahan kasing pagkakabati-bati na ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine at ng iba pa nilang kapamilya matapos pumanaw ang Barretto patriarch na si Mr. Miguel Barretto, ayun at nauwi sa panibagong kontrobersiya at sa mas malalang labasan ng nakakasulasok na baho in public.
Ikina-shocked na nga ng lahat ang ginawang eksena nina Marjorie at Gretchen sa burol ng ama sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte (na isa sa mga nakiramay) matapos tumanggi ang una na makipagbati sa kanyang ate, nasundan pa ‘yun ng mas matinding word war sa social media, na take note, sila-sila rin ang naglabas ng kasiraan ng isa’t isa, ha?!
O, ‘di ba’t si Marjorie ang unang nagpatutsada kay Gretchen na may ‘powerful boyfriend’ ito maliban kay Tony Boy Cojuangco, na nu’ng sumunod na araw naman ay pinangalanan ng pamangkin nilang si Nicole (na hindi naman showbiz celebrity pero ngayon ay controversial na rin) na si Atong Ang pala ang tinutukoy, na diumano’y inagaw lang sa kanya ng kanyang Tita Gretchen.
Rumesbak naman si Gretchen at tinawag na Marjorie Baldivia-Echiverri ang kapatid at sinabing ‘powerful’ din ang BF nito.
Ayaw paawat ni Gretchen at ang sunod na niresbakan ay ang pamangking si Nicole na diumano nga’y inalok ng nanay kay Atong Ang at inagaw lang daw ang mayamang negosyante kay Claudine, kahit pa ang long-time partner ni Tony Boy ang sinasabing present apple of the eye ng ‘happily married’ naman daw na si Mr. Ang.
At maging ang anak ni Marjorie na si Julia na diumano’y nagsabi kay Claudine ng “f*ck you” not once but twice du’n sa burol ni Mr. Mike Barretto, kinastigo rin ni La Greta sa kanyang IG post at tinawag na “liar,” “walang respeto sa ama na ginagamit lang daw nito sa publicity” at “walang utang na loob” sa mga nakatulong sa kanya.
Ang siste, dahil nga isinapubliko na ng Barretto sisters ang dapat sana’y pampamilya lang nilang issues, ang dami nang nakisawsaw at may ilang netizens pa ang naglalabas din ng mga diumano’y baho ng pamilya Barretto na sinasabing galing din sa mga close sa kanilang pamilya.
Natural, hindi nila masisisi kung maraming makisawsaw sa issue dahil sila na nga rin mismo ang naglabas ng problema nila sa publiko, ‘di ba?
Kaso, ang hindi maganda rito, pati ‘yung ilang high-profile celebrities na wala namang kinalaman at nananahimik lang ay nadadamay din sa issue.
May isang netizen nga na may handle name na bashing.shing (siya rin ‘yung nag-message kay Nicole Barretto at nagtanong kung totoo bang inatake niya ang kanyang Tita Gretchen sa burol kaya siya sinabunutan nito) ang nag-post sa IG Story at inakusahan nito si Marjorie na ‘inilako’ rin si Julia sa mga rich businessmen.
Deleted na ang nasabing IG post pero may nagpasa sa amin ng screenshot nito na ganito ang nakasaad: “I think May or June sa akin sinabi ‘to, one of Malacañang closest friends. I was in a meeting, talking about the plan of Inquirer purchase, etc. Sorry medyo malalapit (sa ) industriya kaya nakakasagap ng legit chismis. So, ayun, nabanggit sa akin na si Atcheng Marj ay kagaya ng ina na nilalako sa mga tycoon or rich businessmen ang mga anak.
“So bale in-offer niya si Julia kay Ramon Ang. And I’m not sure kung jinojowa siya o baka bayad ‘yung bahay ni Julia for her services. Pero ang sabi sa akin that time, ‘Nag-i-scout si Marjorie ng bahay for Julia’ at si Ramon Ang ang bumili ng bahay na ‘yun for her’ — hindi ko masyado inusisa kasi hindi ko kilala dati si Julia, pero noong nangyari kay Bea issue, tinanong ko uli ‘yung source na kung si Julia ‘yung tinutukoy niya re Ramon Ang.”
Of course, 50-50 ang chances na paniwalaan ang ganitong tsismis, pero dahil nga may naglabas na rin naman sa socmed, siguro’y mas mabuti na ring isabay na ito ni Marjorie sa mga isyung lilinawin niya once nagsalita na siya ng ‘truth’ sa away ng Barretto sisters.
Ang nakakaloka lang, what a coincidence naman, parehong sa “Ang” pa na-link ang Barretto girls. Sina Claudine, Nicole at Gretchen, ayun nga’t sinasabing (rumored lang, ha?) tinuhog ni Mr. Atong Ang. Tapos, si Julia naman, kay Mr. Ramon Ang iniuugnay.
Well, abangan na lang natin “ANG” paglilinaw ng mga “ANG!”