top of page
Search

Oktubre 15 hanggang 20.. Brownout sa Metro Manila

Madel Moratillo

Asahan ang power interruption sa mga sineserbisyuhan ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Luzon, kabilang ang Metro Manila ngayong linggong ito.

Ayon sa Meralco, ang power interruption ay magsisimula bukas, Oktubre 15, at magtatagal hanggang sa Oktubre 20.

Ito ay para bigyang-daan ang maintenance works ng Meralco upang mas mapabuti umano ang kanilang serbisyo.

Kabilang sa apektado ng power interruptions ang Makati at Mandaluyong City dahil sa pagpapalit ng poste sa E. Pantaleon Street, sa Bgy. Barangka Ibaba, Mandaluyong City; Ermita, dahil sa pagpapalit ng poste sa T. M. Kalaw Ave. sa Ermita, Manila at Paco, Manila dahil sa pagpapalit ng poste sa Paz Street. Apektado rin ang Pinagbuhatan, Pasig City dahil sa maintenance works at pagpalit ng mga pasilidad sa loob ng Meralco-Taguig substation, gayundin ang Tandang Sora, Quezon dahil sa line reconductoring works sa Alcantara Compound at Sto. Cristo-Bago Bantay, Quezon City dahil sa pagpapalit ng mga pasilidad sa Pampanga Street.

Pansamantala ring mawawalan ng suplay ng kuryente ang Calamba City sa Laguna dahil sa instalasyon, paglilipat at pag-retire ng mga pasilidad at line reconductoring works na apektado ng DPWH road widening project sa Bgy. Parian at Lusiana at Majayjay sa Laguna at Lucban at Tayabas sa Quezon, dahil naman sa maintenance works sa loob ng Meralco-Tayabas substation.

Mayroon ding power interruptions sa Sariaya, Quezon dahil sa pagpalit ng poste sa Bignay 1, Bgy. Road at pagpalit ng poste sa Sitio Pontor Road sa Bgy. Bignay 1, habang sa Lucena City naman ay magkakaroon ng preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco-Lucena substation. Humingi naman ng paumanhin ang Meralco sa kanilang consumers dahil sa abalang dulot nito.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page