top of page
Search
Madel Moratillo

Mas mataas na sahod sa nurse, aprub — SC.. Saan kukuha ng pondo? — DOH


Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang Section 32 ng Philippine Nursing Act, na pumapabor sa mga nurse na nagtatrabaho sa government health institutions sa bansa.

Sa naturang probisyon ng Philippine Nursing Act, itinatakda ang minimum base pay para sa government nurses na hindi bababa sa Salary Grade 15.

Pero, kahit pabor sa petitioners ang desisyon ng Supreme Court en banc, sinabi ng Korte Suprema na hindi nila mapipilit ang agarang implementasyon nito dahil kailangang magpasa muna ng batas ang Kongreso para sa pagpopondo rito.

Ang kaso ay inihain ng Ang Nars Partylist.

Sa kanilang petition for certiorari, kinuwestiyon nila ang validity ng Executive Order No. 811 at hiniling ang pagpapatupad ng Section 32 ng Republic Act No. 9173 o Philippine Nursing Act of 2002.

Ito ay naging batas noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, iginiit ni Health Sec. Francisco Duque III, na suportado nila ang pasya ng Korte Suprema pero, ang tanong aniya, saan kukuha ng pondo para rito.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page