top of page
Search
Dr. Shane Ludovice, M.D.

Iba't ibang dahilan ng pagdurugo ng ilong

Dear Doc. Shane,

Last week ay nagdugo ang aking ilong, tapos naulit ito kahapon. Worried ako kung ano ito dahil hindi naman ito nauntog. Ano ba ang sanhi ng pagdurugo ng ilong? — Lulay

Sagot

Ang pagdurugo ay maaaring nagmumula sa harapang bahagi ng ilong o sa loob at mas malalim na bahagi ng ilong kung saan maraming ugat ng dugo. Kapag ang mga ugat na ito ay nasugatan, nasundot o natusok, nagsisimula ang pagdurugo. Bagama’t minsan ay nakakatakot, ito ay hindi naman seryoso.

Ang pinakamadalas na dahilan ng pagdu­ru­go ng ilong ay ang pagtama ng harapang bahagi ng ilong sa anu­mang bagay na matigas. Halim­bawa, nauntog ang ilong sa pader o nahampas o nasuntok sa ilong.

Ang pagdurugo ay maaari ring dahil sa pagkakasundot o pag­kaka­tusok ng anumang matalim na bagay tulad ng mga kuko ng daliri sa loob ng ilong. Ang pagka­karoon ng sipon at madalas na pagsinga ay maaari ring makairita sa ilong at magdulot ng pag­durugo.

At ang pabagu-bagong klima ay maaari ring makaapekto sa mga ugat ng dugo na nasa loob ng ilong at maging sanhi ng pagputok at paglabas ng dugo sa ilong.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page