top of page
Search
  • Julie Bonifacio

Mga kontrabida sa serye, mas agaw-pansin… Angel, sapaw kina Janice at Tirso

Tiyak na mami-miss ng mga televiewers ang teleseryeng The General’s Daughter na gabi-gabing tinututukan ng sambayanan. Last week na kasi ng Kapamilya serye na pinagbi­bida­han ni Angel Locsin.

In fairness, ‘di lang ang karakter ni Angel ang tumatak nang husto sa mga viewers kundi maging sina Tirso Cruz III at Janice de Belen na kahit mga kontrabida sa serye, eh, talagang nagmarka ang kahusayan sa pag­ganap.

Masigabong palakpakan ang gusto naming ibigay para sa original na Teleserye Queen na si Janice. Knows naman ng marami na si Janice ang bida ng Flordeluna na talaga namang halos lahat ng Pinoy ay nanonood during that time.

Ang husay-husay ni Janice sa mga “pailalim” na aktingan niya sa The General’s Daughter. Hindi “kalat” ang pagiging kontrabida ni Janice sa TGD, habang si Kuya Pipo naman, nakuha niya ang inis at poot ng mga viewers sa karakter niya. ‘Yung lahat ng nanonood, gusto na siyang mamatay agad, ‘di ba?

Pero siyempre, ‘di rin basta pu­wedeng patayin ang karakter ni Kuya Pipo sa TGD hangga’t ‘di naka­kapaghiganti si Angel sa kanya.

Walang ibang alam kundi dahas, idadamay pa ni Kuya Pipo (Tiago) sa kanyang plano ang libu-libong inosenteng buhay para pabagsakin ang militar at gobyerno upang maging pinuno ng bansa.

Exciting ang magaganap na eksena sa pagtugis nina Angel, Paulo Avelino at Albert Martinez kay Kuya Pipo. Magtagumpay kaya si Angel bilang si Rhian na linisin ang kanyang pangalan at pigilan ang masasamang plano ni Kuya Pipo para sa bansa?

Malalaman ang kasagutan sa huling linggo ng The General’s Daughter sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probin­syano.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page