top of page

7 baboy at baka, masaganang buhay at magandang ani ang kahulugan

  • Socrates Magnus
  • Oct 2, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Shey ng Shey_Timpoc@face-book.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng pitong matatabang alagang baboy at baka?

Naghihintay, Shey

Sa iyo Shey, Usung-uso ngayon ang sakit sa baboy kaya marami nang hog raisers o nag-aalaga ng baboy ang nalulugi.

Napakahirap ng sitwasyong ito para sa mga may babuyan dahil karamihan sa kanila ay inuutang lang ang puhunan at babayaran kapag naibenta na ang mga alagang baboy.

Kaya kapag nagkasakit at namatay ang kanilang mga alaga ay sobrang lungkot nila.

Hindi man maganda ang mag-alaga ng baboy ngayon, hindi pa rin puwedeng balewalain ang simbolo ng baboy na kasaganahan o masaganang buhay.

Dahil dito, ayon sa iyong panaginip, pitong taon na mananagana ang buhay mo. Gayunman, ikaw ay pinapayuhan na huwag tumulad sa maraming tao na kapag maganda ang buhay ay mag-uubos ng biyaya, ‘yung tipong akala mo ay hindi matatapos ang magandang takbo ng iyong kapalaran.

Ang baka naman ay simbolo ng maraming ani. Ibig sabihin, pitong taon mong mararanasan ang kahulugan ng mga salitang “he or she or they will enjoy the fruits of their labor.”

Napakasarap pakinggan, pero tutukan mo ang salitang “labor” na sa Tagalog ay “pinahirapan”. Ang mga biyaya na mapasasaiyo ay pinaghirapan mo kaya tulad ng unang payo, huwag mo itong ipamimigay nang basta-basta.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page