top of page
Search
Nitz Miralles

Gusto raw ma-testing dahil mature na… Myrtle, game nang makipagtikiman at magpakama

Nitz Miralles / Bida

Ang suwerte naman ni Myrtle Sarrosa dahil ipapalabas pa lang sa October 2 ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love, may kasunod na pelikula na agad siya sa Regal Entertainment. Kasama siya sa cast ng The Annulment na pi­nag­bi­bidahan ni Lovi Poe kasama sina JC Tiuseco at Joem Bascon.

Hindi lang si Lovi ang nakatrabaho ni Myrtle, pati na si Joel Lamangan na director ng The Annulment. Matutupad ang sinabi ni Myrtle nang makausap namin sa mediacon ng Ang Heneras­yong Sumuko sa Love na gusto niya ng challenging at more mature roles.

Alam niyang kasama sa “more mature roles” ang magkaroon ng kissing scene at bed scene, kaya ginawa niya ang mga eksena na first time niyang ginawa sa career niya.

Natatawa nitong inalala nang ku­nan ni Director Jason Paul Laxa­mana ang eksena, kaya lang na-take two dahil different angles kinunan.

Nag-agree si Mrytle kay Albie Casiño na hindi ma­hi­rap ang love scene dahil itinuro ni Direk Jason kung paano gagawin at kung ano’ng emosyon ang kaila­ngan nilang ilabas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page