Patuloy ang pagtutok ng Department of Health (DOH) sa mga biktima ng diphtheria at magsasagawa rin ng imbestigasyon kung ano ang rason sa pagdami ng kaso ng nasabing sakit.
Sakit na diphtheria, ikinamatay ng 10-anyos na bata sa Sta. Ana
Manila Health Department — Sakit na diphtheria ang ikinamatay ng 10-anyos na batang lalaki sa Sta. Ana, Manila.
Ayon kay Dr. Edgar Santos, dinala ang bata sa Sta. Ana Hospital noong Biyernes pero, agad ding namatay.
Ilang araw na umano itong nilalagnat at namamaga ang lalamunan na sintomas ng diphtheria.
Nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para hindi kapitan nito.
Sinabi rin nito na nakakahawa ang diphtheria lalo na pag-umubo at sa mga gamit na nahawakan ng kontaminado ng sakit.
Samantala, sinabi ni DOH Medical Specialist Anthony Calibo, mayroon na ring naiulat na kaso ng diphtheria sa ilang rehiyon kabilang ang Cordillera Administrative Region (CAR).
Ito ay isang seryosong bacterial infection sa lalamunan, dila at ilong.
Nabatid na ang diphtheria ay isang sakit na maaaring magdulot ng heart failure dahil napipinsala ng toxins nito ang puso, utak at kidney.
40 sa 167 namatay sa diphtheria, dahil sa takot magpabakuna
Kumpirmadong diphtheria ang ikinasawi ng 10-taong gulang na bata sa Maynila.
Ang Grade 4 pupil ay nilagnat, nakitaan ng rashes at singaw sa bibig at matapos ang halos isang linggo, namatay ang bata.
Kaugnay nito, muling hinimok ng gobyerno ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra sa nasabing sakit. Siguruhing nakatanggap ng kumpletong bakuna sa unang taon pa lang.
Bukod sa bakuna, mayroon din umanong nakahandang antibiotics kontra sa sakit. Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ay ang pakiramdam na may makapal na nakabalot sa likuran ng lalamunan na maaaring mauwi sa mga problema sa paghinga, pagkaparalisado at pagpalya ng puso.
Isa pa sa mga dapat ingatan ay ang pagkalat nito.
Nakahahawa ang diphtheria, lalo na kapag umubo o sa mga gamit na nahawakan ng kontaminado ng nasabing sakit.
Batay sa ulat, mula Enero hanggang Setyembre, nakapagtala na ng 167 kaso ng diphtheria sa bansa kung saan 40 ang nasawi.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na patuloy ang kanilang pagtutok sa mga biktima ng diphtheria at magsasagawa rin ng imbestigasyon kung ano ang rason sa pagdami ng kaso ng nasabing sakit.
Maaaring isa sa mga dahilan ay ang mababang immunization coverage.
Hindi maitatangging may mga natatakot pa rin o nahihirapang magtiwalang muli sa bakuna dahil sa kontrobersiyal na dengue vaccine.
Gayunman, paano kung ang sakit na nakamamatay tulad ng diphtheria ay puwede naman palang maiwasan kung napabakunahan lang sana ang anak?