top of page
Search

Kapamilya actress, baka raw pagod lang… Hirit ni Rita: Pandededma ni Alex sa amin ni Ken sa Airport,

Nitz Miralles

Nitz Miralles / Bida

Nagsalita na si Rita Daniela sa isyung dinedma silang dalawa ni Ken Chan ng Kapamilya actress na si Alex Gonzaga nang magkita sila sa airport kung saan pareho silang papunta ng Mindanao.

Ang sabi ni Lolit Solis na naglabas ng balita, lumapit sina Ken at Rita kay Alex at ‘di raw pinansin. Sumagot si Alex at idinenay na dinedma niya ang mga Kapuso stars.

Si Rita ang sumagot sa presscon ng One of the Baes tungkol dito. “Unang-una, ‘di na dapat gawing isyu.

Wala sa amin ni Ken ‘yun, ‘wag na nating palakihin.

Okay na nakapag-usap na kami, wala nang dapat i-OA pa.

Kung anuman ang nangyari that night, naiintindihan namin. Maaaring pagod lang siya.

Hindi big deal sa amin. Nakikiusap kami, ‘wag nang palakihin,” pakiusap ni Rita.

Wala namang naging sagot si Ken tungkol sa issue.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page