top of page
Search

Bilhin ang mga palay sa isang fun run sa Palawan

A. Servinio

Isang run-for a-cause ang ikakasa ng farm tourism destination sa Puerto Princesa City, bilang ayuda sa mga magsasakang dumaranas ng mababang pagbili sa kanilang pinaghirapang produkto.

Layunin ng nasabing fun run na bilhin ang mga palay ng mga magsasaka ng Narra, Palawan nang mas mataas sa farm gate price at ibalik din sa kanila.

Ang run for a cause ay inorganisa ng Yamang Bukid Farm-Palawan sa Set. 28. Ang “Takbo para sa mga Magsasaka (Run for the Farmers)” ay 5-KM run na naglalayon ding makalikom ng pondo upang iayuda sa ilang non-government organization at grupo ng mga magsasaka sa Palawan.

Ayon kay Hope Alas, tourism officer ng Yamang Bukid Farm.

Ang fun run ay pakikiisa na rin sa Yamang Bukid Farm’s 5th Agros Farmers’ Festival na gagawin sa Barangay Bacungan sa Set. 28.

Ang kikitain ng event ay ibibigay sa Palawan Center for Appropriate Rural Technology (PCART), ang Farmers’ Association sa southern town ng Narra.

Ang 42-hectare tourism destination sa Barangay Bacungan ay nakilala sa pagkuha ng farm workers na dating illegal loggers at tinuturuan na sila ngayon ng sustainable agriculture and environmental protection and conservation.

Ang fun run ticket ay nagkakahalaga ng P350, kasama na ang singlet at Race Bib at bukas sa kahit sinong gustong sumama sa event.

Isinagawa ng Yamang Bukid ang nasabing fun run matapos masaksihan mismo ang nakaiiyak na apela ng mga magsasaka.

Isang paraan din umano ito, upang marinig ng pamahalaan kung gaanong kailangan ng mga magsasaka ang marinig ang kanilang hinaing.

Para sa mga nais magparehistro, maaring tumawag sa 0907-237-7258 at mag-email sa yamangbukidfarm @gmail.com.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page