Nilalait man ng iba ang hitsura ng comedian na si Super Tekla, may taglay naman siyang karisma sa publiko kaya marami ang naaaliw at nanonood sa kanyang TV show sa GMA-7 kasama si Boobay.
Masang-masa ang appeal ni Super Tekla. Natural na natural ang kanyang pagpapatawa at hindi niya kailangang manlait ng iba para lang tumawa sa kanyang mga jokes ang mga tao.
At dahil isa siyang stand-up comedian, mabilis ang pick-up niya at sanay na sanay mag-adlib. Kaya niyang mag-show kahit na impromptu.
Bukod kay Willie Revillame, malaki rin daw ang naitulong ng yumaong comedian na si Chokoleit sa kanya. Five years silang nagkasama sa mga comedy bars at maraming naituro sa kanya si Chokoleit.
Samantala, abut-abot din ang pasasalamat ni Super Tekla kay Kim Domingo na pumayag maging kapareha niya sa launching movie niyang Kiko En Lala. May kissing scene sila ni Kim at game na game naman ang sexy Kapuso actress.
Nagpapasalamat din si Super Tekla kay Derrick Monasterio na love interest ng karakter niya as Lala sa movie, ganu’n din kay Jo Berry na malaki ang role sa Kiko En Lala. And of course, thankful din siya kay Direk Adolf Alix, Jr. na tinulungan siya sa kanyang mga eksena sa movie.
Hinding-hindi malilimutan ni Super Tekla ang tiwala sa kanya ng GMA Pictures at Backyard Productions.