top of page
Search

Exhibition Match vs. Mayweather, “anytime, kahit saan!” - Pacman

MC / Gerard Arce

“Malakas pa ba ang loob ni Mayweather na lumaban?” Iyan ang unang-unang tanong ng marami lalo na si Manny Pacquiao dahil nakahanda umanong humarap ang Pambansang Kamao kay Floyd Mayweather Jr. na nagpahiwatig ng interes na mag-rematch sila sa Japan.

“Anytime,” tugon naman agad ni Pacman sa umano’y usaping may niluluto raw na exhibition match si Mayweather para sa kanila. Una nang naglaban ang dalawa noong 2015 kung saan nanalo si Mayweather sa bisa ng unanimous decision. Kontrobersiyal ang naging resulta dahil napilitan lang umanong lumaban si Pacquiao sa kabila ng injury sa kanang balikat.

Samantala, dalawang boksingero na lang umano ang pinagpipilian na sunod na makakatapat ni Pacman sa pagbalik nito sa boxing ring sa 2020.

Isa kina Mikey Garcia at Danny Garcia na lamang ang tinitimbang na makakatapat ng World Boxing Association (WBA) welterweight champ, ayon kay MP Promotions president at international matchmaker Sean Gibbons, inaasahang sasabak ulit ito sa Enero o Pebrero sa susunod na taon.

Ayon sa online boxing editor ng talksport.com na si Michael Benson, nakatakda raw magbigay ng desisyon ang 40-anyos na Filipino boxing icon sa mga susunod na buwan kung sino sa mga Garcia ang haharapin niya.

Ang 31-anyos na 4-time world champion na si Mikey ay nakatikim ng nag-iisang talo laban kay International Boxing Federation (IBF) welterweight champ Errol Spence noong Marso 16, habang ang Philadelphia native na si Danny ay pinabagsak si Adrian Ganados sa 7th round noong Abril 20 para sa World Boxing Champion (WBC) Silver welterweight title sa California.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page