Bad pala ‘yun, beshy... Paggamit ng towel na pampatuyo ng buhok, nakakalagas
- Twincle Esquierdo
- Sep 23, 2019
- 2 min read

Ngayong ber months, marami na sa atin ang nagsisimula nang magpaganda ng ‘crowning glory’ o buhok bilang paghahanda sa iba’t ibang events tulad ng October Fest, Christmas Party at reunion.
Mayroong gusto ng straight, perm, short hair at mayroon ding gusto lang magpahaba ng buhok. Pero, paano nga kaya mabilis na mapapahaba ang buhok? Narito ang ilang tips para sa inyo:
1. MAGSUKLAY BAGO MATULOG. Knows ba ninyo na tumutubo ang buhok natin kapag natutulog tayo? Ito ay dahil ang scalp o anit ay nakakukuha ng maximum blood supply kapag nakahiga tayo. Ang pagsusuklay ay ‘exercise’ sa buhok dahil tumataas ang blood circulation sa anit at nakakakuha ng oxygen na tumutulong upang mas mapabilis ang paghaba nito.
2. MASAHIHIN BAGO MATULOG. Gawin ito sa loob ng 5 hanggang 10 minuto tatlong beses sa isang linggo. Makatutulong ito upang tumaas ang blood supply sa anit. Ang blood supply ay may oxygen at nagno-nourish ng buhok, dahil dito, magiging mabilis ang pagtubo ng buhok.
3. PAGKISKISIN ANG MGA KUKO SA KAMAY. Gawin ito nang 5 hanggang 10 minuto kada araw dahil ang anit ay konektado sa nail beds sa ilalim ng fingernails, napasisigla at nae-encourage ang blood flow sa anit, gayundin, mapananatali nito ang overall health ng buhok. Makikita ang resulta nito sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.
4. ITIRINTAS BAGO MATULOG. I-braid ang buhok at tanggalin ito bago matulog. Makatutulong ito para sa maayos na pagtubo ng buhok. Gayundin, maiiwasan ang pagkalagas ng buhok kung palagi itong gagawin.
5. ‘WAG HIGPITAN ANG TALI. Mabilis masisira at maglalagas ang buhok kung mahigpit itong itatali dahil hindi nito nakukuha ang nutrients mula sa anit. Oks lang magtali ng buhok pero make sure na hindi gaanong mahigpit para dumaloy nang maayos at tuluy-tuloy ang nutrients sa buhok.
6. ‘WAG PATUYUIN GAMIT ANG TUWALYA. Madalas natin itong ginagawa, pero lingid sa ating kaalaman na isa ito sa mga dahilan ng paglalagas ng buhok. Ito ay dahil madaling malagas ang buhok kapag basa pa. Hayaan lang itong matuyo nang nakalugay. Mas mainam na pigaan ang buhok gamit ang kamay.
Oh, mga beshy, ‘yan ang ilang paraan para mabilis humaba ang inyong buhok. Kaya hindi n’yo na kailangang mag-hair extensions para magkaroon ng instant long hair. Sundin lang ang nasabing mga paraan at asahan ang magandang resulta ng pagtubo ng inyong buhok. Copy?
Comments