top of page
Search
Justine Daguno

Hindi lang pang-snack at pansahog sa ulam.. Patatas, epektib na pantanggal ng kalawang, eyebags, pim


Chips, mashed potato, fries at iba pang pansahog sa ulam ang karaniwang pinaggagamitan ng patatas.

Pero, alam n’yo ba na puwede rin itong gamitin na pang-DIY (do-it-yourself) na hot o cold compress, pantanggal ng kalawang at iba pa? Well, narito ang ilan sa mga puwedeng paggamitan ng patatas:

1. HOT O COLD COMPRESS. Puwedeng gamitin na hot o cold compress ang patatas. Mag pakulo ng ilang piraso nito kung gagamiting hot compress at siguraduhin na hindi ma o-overcooked bago ibalot sa towel. Ilagay ito sa fridge kung cold compress naman ang trip mo. Madaling makaabsorb ng init o lamig ang patatas, pero matagal naman nitong napananatili ang kanyang temperatura.

2. PANLINIS NG SAPATOS. Paranaman ito sa mga estudyante at empleyadona madalas gumamit ng black shoes. Bago tuluyang maluma o kumupas ang inyong sapatos, gamitan ito ng patatas. Isa o dalawang beses kada linggo, gamitin ang patatas bilang panlinis ng inyong sapatos. Mag hiwa nito at ikuskos sa sapatos at ‘yun na, may instant shoe polish ka na!

3. PANTANGGAL NG KALAWANG. Napakahirap magtanggal ng kalawa ng, lalo na sa mga gamit sa kusina. Minsan, hindi na ito pinagtitiyagaang linisin at bumibili na lang tayo ng bago pero, gastos no more dahil ang mga patatas ay nagtataglay ng isang uri ng acid na kumakain sa kalawang. Humiwa ng ilang piraso nito at ikuskos sa bahaging silverware na kinakalawang at ibabad nang kalahating oras saka gamitan ng scrub para matanggal ang kalawang.

4. PAMPAWALA NG PUFFY EYES. Marami sa atin ang conscious sa eyebags dahil hindi ito magandang tingnan. Pero, hindi na ito problema at hindi na rin natin kailangang gumastos para sa mga eye cream dahil puwedeng gamitin napang-DIY ang patatas. Palamigin ang ilang slice nito bago gawing eye patch at hayaan ito sa loob ng 15 hanggang 20 minuto at ‘yun, wala na ang mala-panda mong mga mata.

5. PANG- SKIN CARE. Kung mapapansin natin, wala namang ‘potato extract’ ang mga beauty product, pero alamn’yo bang epektib pang-skin care ang patatas? Nakatatanggal ito ng pimples, blackheads, oily skin at iba pang common skin conditions dahil meron itong essential nutrients at vitamins na nakalilinis ng pores.

Imagine, hindi lang pala pansahog sa ulam o snack ang puwedeng paggamitan ng patatas kundi puwede rin pala itong pang-DIY? Dahil hindi naman ito ‘pricey’, walang masama kung susubukan natin, malay mo mag-work.

Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page