top of page
Search

Eatlog Run, para sa Save The Children at AFP-EBSO ang kikitain

Thea Janica Teh

Bulgarific

Eatlog Run 4 - Bulgarific

Hello, Bulgarians! ‘Ika nga, “an apple a day, keeps the doctor away”.

Pero hindi lang apple ang makapagpapalayo sa atin sa doktor kundi itlog din!

Kaya naman para ipagdiwang ang World’s Egg Day ay magsama-sama tayong muli sa ika-apat na taon ng Eatlog Run 2019!

Gaganapin ngayong ika-13 ng Oktubre ang pinakaaabangan ng lahat! Ngayong ikaapat na taon, asahang matitikman natin ang iba’tibang dishes habang tumatakbo!

Yes, mga katsika, isama na rin d’yan ang magandang tanawin dahil gaganapin ito sa SM by the Bay sa Pasay City.

Ang itlog ang pinakamurang pagkain na maaari nating kainin, araw-araw.

Bukod sa mura ito, marami rin tayong nutrients na makukuha na lingid sa ating kaalaman.

Mayroon itong high-quality protein, fatty acid, micro nutrients tulad ng vitamins at minerals nakailangan ng ating katawan.

Hindi lang ‘yan, ang eggyolk ay mayaman din sa Vitamin D na kailangan ng ating katawan para makontrol ang availability ng calcium at phosphorous na nagpapatibay sa ating buto.

Kayanaman para lalong masubukan ang tibay ng ating buto, sama-sama tayong tumakbo ngayong darating na Eatlog Run!

Hindi lang tayo mag-eenjoy, makatutulong pa tayo!

Dahil ang malilikom na pera sa fun run na ito ay mapupunta sa beneficiaries tulad ng Save the Children at Armed Forces of the Philippines Educational Benefit System Office (AFPEBSO).

Para sumali, maaaring pumunta sa on-site registration sa piling Chris Sports Branches- SM Mall of Asia, Glorietta, SM Megamall at SM North EDSA.

Maaariring mag-online registration sa www.goorahna.com.

Para sa iba pang katanungan, maaaring mag-email sa aldenvereventsmarketing@gmail.com o tumawag sa 0927-8484533 o 0998-9565231 at hanapin si Ms. Nikka Ramos.

Maaari ring bisitahin ang Eatlog Run sa Facebook page ng AldenverEvents at Eggciting Adventure Family Fun Run para sa announcements.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page