top of page
Search

Pulis, 3 pa timbog sa carnapping

V. Reyes

Kalaboso ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nag-AWOL, gayundin ang tatlong umano’y kasabwat nito sa kasong carnapping sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina dating Patrolman John Rhey Bautista, Albert Hipolito, Christopher Orosco at Roderick Sarang. Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si Joanna Mae Turingan.

Nilapitan umano ni Turingan ang complainant noong Setyembre 12 para magrenta ng Mitsubishi Montero at Mitsubishi Mirage sa halagang P22,000 at may usapang ibabalik ng Setyembre 15. Gayunman, napansin ng may-ari na nakapatay na ang GPS device ng dalawang sasakyan kamakalawa ng umaga.

Sa ikinasang operasyon ay nahuling nasa loob ng Mitsubishi Montero sina Bautista, Hipolito at Orosco habang nasa hiwalay na Toyota Avanza si Sarang.

Narekober mula sa grupo ang kalibre .9mm na service firearm umano ni Bautista, mga bala at magazine. Hindi pa narerekober ng pulisya ang Mitsubishi Mirage habang patuloy nang tinutugis si Turingan.

Ani Lt. Col. Rodrigo Soriano, huling naitalaga si Bautista sa Southern Police District noong 2014.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page