top of page
Search
Dr. Shane Ludovice, M.D.

Psoriasis, hindi nakahahawa pero walang gamot


Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Napansin kong nagbibitak at namumula ang aking balat sa mga binti papuntang tuhod. Ang sabi ng workmate ko, baka psoriasis daw ito dahil ganundin ang hitsura ng balat ng kapatid niyang may ganitong skin disease. Saan ba ito nakukuha at nakahahawa ba ito? — Geneva

Sagot

Ang psoriasis ay sakit sa balat na dulot ng sobrang aktibong immune system ng katawan. Maaaring makaranas ng pagbibitak, pangangapal, pamumuti o pamumula ng balat. Ang sakit na ito ay matagal at mahirap gamutin at maaaring umabot ng taon bago tuluyang magamot. Kadalasan itong makikita sa anit, likod, mga tuhod, siko, kamay at paa. Dahil ang sakit na ito ay nakaaapekto sa panlabas na kaanyuan, kadalasang naaapektuhan din ng sakit na ito ang kumpiyansa sa sarili ng taong apektado.

Ano ang sanhi ng psoriasis?

Sa ngayon, wala pang natutukoy na dahilan sa pagkakaroon ng psoriasis. Ngunit, ayon sa mga eksperto, ito raw ay bunga ng matinding reaksiyon ng immune system sa katawan. Dahil dito, mabilis na nagpapalit ang skin cells na mula sa normal na pagpapalit na inaabot ng 3 hanggang 4 na linggo, napabibilis ito ng ilang araw lamang. May mga nagsasabi na ang sakit na ito ay namamana.

Nakahahawa ba ang psoriasis?

Ang sakit na psoriasis ay hindi nakahahawa. Hindi ito maaaring maipasa sa pamamagitan ng pagkakadikit sa balat ng taong may sakit. Tandaan, hanggang ngayon ay wala pang tiyak na dahilang maituturing sa pagkakaroon ng sakit na ito, kaya hindi dapat layuan ang mga taong may ganitong sakit.

Ano ang gamot sa psoriasis?

Sa ngayon, wala pang gamot na natutukoy na makapagpapagaling sa psoriasis. Ang tanging ginagamot lamang ay ang mga sintomas na nararanasan. Ang mga kadalasang gamot para sa psoriasis ay ipinapahid na cream o ointment, gamot na iniinom at phototherapy.

Layunin ng mga gamot na ito na kontrolin ang mga sintomas na nararanasan sa balat. Tumutulong din ito na pabagalin ang mabilis na pagpapalit ng skin cells, gayundin ang pamumula at pangangapal ng balat. Ang paggagamot sa mga sintomas ng sakit na ito ay nakadepende rin kung ano ang uri at antas ng psoriasis.

Narito ang ilan sa mga kadalasang ginagawa at ginagamit sa pasyenteng may psoriasis:

Lotion, ointment at cream ang ipinapahid sa apektadong balat, shampoo at oil para sa apektadong anit.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page