Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Terry ng Terry_Ang@facebook. com
Dear Señor,
Ano ang Apostle’s Creed? Madalas ko kasi itong marinig sa mga mahilig sa Karunungang Lihim.
Naghihintay,
Terry
Sa iyo Terry,
Ang Apostle’s Creed ay ang dasal na “Sumasampalataya” at ang Ingles nito ay ang “I believe”.
Ang mga salitang nakapaloob dito ay ang mga paniniwala ng mga Apostol at lahat ng Kristiyano.
Hindi lang mga Katoliko ang nagdarasal nito dahil ang mga Protestante at ang lahat ng relihiyon ay naniniwala sa mga salitang nasa Apostle’s Creed.
Alam mo, iho, hindi simpleng dasal ang Apostle’s Creed dahil ito ay may espesyal na power na pinagtibay ng Inang Simbahan na kailangan o obligadong gamitin laban sa masasamang espiritu at laban mismo sa mga kampon ng demonyo at laban mismo kay Satan o Lucifer.
Hindi lang ang mga tinatawag na exorcist o nagpapalayas ng mga demonyo ang gumagamit ng power nito dahil puwede rin itong gamitin ng mga pangkaraniwang tao.
Narito ang ilang version ng Apostle’s Creed na ginamit ng mga sinaunang Kristiyano:
1. Latin version
Credo in Deum Patrem omnipotentem, Creatorem caeli et terrae. Et in Iesum Christum, Filium eius unicum, Dominum nostrum, qui conceptus est de Spritu Sancto, natus ex Maria Virgine, passus sub Pontio Pilato, crucifixus, mortuus, et sepultus, descendit ad infernos, tertia die resurrexit a mortuis, ascendit ad caelos, sedet ad dexteram Dei Patris omnipotentis, inde venturus est iudicare vivos et mortuos. Credo in Spiritum Sanctum, sanctam Ecclesiam catholicam, sanctorum communionem, remissionem peccatorum, carnis resurrectionem, vitam aeternam. Amen.
2. English version
I believe in God, the Father Almighty, Creator of heaven and earth; and in Jesus Christ, His only Son, our Lord.
Who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary, suffered under Pontius Pilate, was crucified, died, and was buried.
He descended into hell; the third day He rose again from the dead; He ascended into heaven, and is seated at the right hand of the Father. He shall come again to judge the living and the dead.
I believe in the Holy Spirit, the holy Catholic Church, the communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body and the life everlasting. Amen.
3. Tagalog version
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay HesuKristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mang-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto’t maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
Sa Banal na Simbahang-Katolika, sa kasamahan ng mga banal;
Sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mang-uli ng nangamatay na tao,
At sa buhay na walang hanggan. Amen.
Sa iyo Terry, mamili ka sa mga version na nasa itaas kung ano ang gusto mong dasalin. Ang mahalaga ay ang alam mo ang idinarasal mo.
Good luck and God bless.