top of page
Search
Mylene Alfonso

2 drug dens ni-raid 14 arestado


TIMBOG ang 14 katao matapos salakayin ng Manila Police District-Station 4 at Philippine Drug Enforcement Agency ang dalawang drug dens, kamakalawa ng hapon sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc, Manila.

Isinagawa ng mga awtoridad ang pagsalakay alas-12:30 ng tanghali sa Bgy. 432 kung saan nakakuha ng may 25 gramo ng shabu na may street value na P170,000 at mga drug paraphernalia.

Kinilala ni Atty. George Paul Alcovindas, ang mga suspek na sina Jun Caranera y Sanoro alyas Weng-weng, 30; Christopher Sicat y Miranda alyas Topeng, 22; Fernando Manuel y dela Peña, 46; Christian Sicat y Miranda alyas Ogie, 20; Jeff Rejir y Cotton alyas Jeff, 21; Kenneth Caranera y Sanoro, 25 at Mary Jane Sicat y Miranda alyas MJ, 52, na target ng search warrant ng mga awtoridad.

Kasabay ng naturang pagsalakay ang isa pang search warrant sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kina Annalea Pateo y Tumale, 44; Eduardo Rosete Gontilla, 59; Ronnie Clemente Roxas, 35; Alexander Alvario Oleja, 40; Ricky Morales Dicdican, 27; Nikko Rosario Tadefa, 30, at Julio Perez Menes, 31.

Nakumpiska sa naturang grupo ang 29 gramo ng shabu at P 136,000 halaga ng iligal na droga at drug paraphernalias.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page