top of page

Sagabal sa kalsada | MGA BARANGAY HALL, GINIBA

  • Maeng Santos
  • Sep 4, 2019
  • 1 min read

PATULOY ang clearing operations sa Lungsod ng Caloocan upang matiyak na malinis at wala ng sagabal sa mga kalye at sidewalk.

Pinangunahan nina Mayor Oca Malapitan, MMDA Chairman Danilo Lim at General Manager Jojo Garcia ang paggiba ng barangay hall sa Barangays 103 at 104.

Sa ulat na inilabas ng Pamahalaang Lungsod, sa kasalukuyan ay 100% nang nadaanan ng ‘Task Force Alis Sagabal’ ang mga pangunahing kalsada.

Bukod sa patuloy na pagbaklas sa mga nakasagabal, ilang trak din ang umiikot upang mahakot ang mga debris mula sa isinagawang clearing operations sa mga barangay at mga pangunahing kalsada.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page