![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_4f37b8876809468aa682d43008d92699~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5376bf_4f37b8876809468aa682d43008d92699~mv2.jpg)
SA pagbubukas ng pinaka-prestihiyosong collegiate leagues sa bansa, ipinakita ng UAAP host school Ateneo de Manila University ang kanilang mga medalya at tropeo na ginawa bilang simbolo ng respeto sa kapaligiran at kapayapaan.
Sa opening ceremonies ng UAAP Season 82 sa MOA Arena noong Linggo, ipinakita ni Ateneo President Jett Villarin SJ ang bagong mga medalya at tropeo na gawa sa recycled plastic mula sa Taal, Batangas at basyo ng bala na nakolekta mula sa Marawi.
Idinagdag ni Villarin na bukod sa pagkilala sa kagalingan ng mga nagwaging atleta, ang Season 82 tokens ay simbolo na rin ng panalo ng liga bilang katuwang ang komunidad.
“The trophy and medal might be yours if you win in the competition but you will also win this for the community in Marawi, in Taal. They made your trophies and medals out of recycled materials,” ani Villarin sa ABS-CBN news. Lahat ng medalya at tropeo ay pawang hand crafted.
Samantala, tagumpay ang Motolite na pahabain ang naitalang 3-game winning run matapos pataubin ang Pacific Town Army, 25-16, 22-25, 25-18, 23-25, 15-10 sa PVL Season 3 Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan. (VA / MC)