FOR sure, wala tayong ibang gusto kundi gumanda ang future ng ating mga anak kaya para maibigay ito sa kanila, dapat tayong magsimula nang maaga. Paano? Dapat natin silang turuan na mag-ipon. Momshies, narito ang ilang techniques para turuang mag-ipon sina bagets:
1. ‘NEXT TIME NA LANG’. Natural kina bagets ang magturo o magpabili at kapag hindi napagbigyan, minsan ay nagta-tantrums sila. Kaya mga momshie, mabuting sanayin sila na hindi lahat ng gusto nila ay makukuha nila kaagad. ‘Ika nga nila, good things come to those who wait, gayundin sa pag-iipon kaya dapat natin silang turuang mag-ipon para hindi tayo idinaraan sa tantrums. Kung may gusto silang bilhin, puwede nating sabihin na “sa susunod na lang” o kaya sabihan sila na kailangan itong pag-ipunan mula sa kanilang baon o allowance.
2. NEEDS VS. WANTS. Isa ito sa mga struggle nating adults kaya mabuti na ngayon palang ay ituro na ito sa mga bata. Kapag may gusto silang ipabili, rito na papasok ang hindi matapus-tapos na diskusyon ng needs vs. wants. Puwede mo silang papiliin kung pagkain o laruan, usong lunch box o allowance? Ganern! Para magkaroon ng mas klarong ideya, unti-unting ituro sa kanila ang pagba-budget para makita nila kung paano mag-set ng priorities.
3. SAVING O SPENDING? Kung bet mong maging exciting ang pagtuturo ng pag-iipon, gawin itong laro. Paano? Magkaroon ng dalawang alkansiya na may label na ‘spending’ at ‘saving’. Tuwing may matitira sa baon ni bagets, hayaan mo siyang mamili ng alkansiya na paglalagyan nito. Gayundin, puwedeng magkaroon ng ikatlong alkansiya na may label na ‘sharing’. Sa ganitong paraan, made-develop ang kanyang decision-making skills at pagiging compassionate.
4. MAG-OPEN NG BANK ACCOUNT. Mas madaling mag-ipon kung mayroon tayong paglalagyan nito. Kapag nasa wastong edad na, magbukas kayo ng bank account para sa kanila. Gayundin, mabuting isama sila sa pagbubukas ng account para magkaideya sila kung paano ang proseso ng pag-iipon sa bangko. Mabuti ring makita nila kung magkano na ang naiipon nila para mas ma-inspire silang gawin ito.
5. DECISION-MAKING. Sa grocery, subukan mo silang bigyan ng budget. Halimbawa, magbigay ng P100 para bilhin ang sa tingin nila ay kailangan nila pero, dapat ay pasok pa rin ito sa budget. Ang hakbang na ito ang magtuturo sa kanila ng ilang money lessons na mapakikinabangan sa kanilang pagtanda. Gayundin, maiintindihan nila ang konsepto ng needs vs. wants, halaga ng pagsunod sa budget at importansiya ng pagkakaroon ng priorities.
6. SUPPORT PA MORE. Ito ang pinakamahalagang hakbang para maging matagumpay ang pag-iipon ng mga bagets. Hindi madaling mag-ipon kaya kailangan itong sabayan ng disiplina at pagpupursige. Kapag maghuhulog sila sa alkansiya o magdedeposito sa bangko, let them know that they are doing a good job. Gayundin, kapag natutukso silang bumili, turuan silang maghintay.
Momshies, hindi madaling magturo ng money-saving tips sa mga bata lalo na kung gusto nating ibigay ang lahat ng gusto at pangangailangan nila. Pero, ang habit ng pag-iipon ay maaari nilang dalhin hanggang sa pagtanda kung saan magagamit nila ito anuman ang mangyari. Happy savings, momshies!