top of page
Search
Madel Moratillo

Utos ng Simbahan | DASAL KONTRA DENGUE


SIMULA sa Linggo, Setyembre 1, darasalin na sa mga Simbahan ang “Oratio Imperata” laban sa dengue at leptospirosis sa mga misa sa Maynila.

Sa pamamagitan ng circular na inilabas ni Cardinal Luis Tagle, inaatasan ng Manila Archdiocese ang lahat ng parish priests, rectors, chaplains at superiors ng religious communities na isagawa ang Oratio Imperata (Obligatory Prayer).

Ang dasal ay para sa paggaling ng mga biktima at proteksiyon ng mga hindi pa tinatamaan ng naturang mga sakit.

Ang aksiyon ng Simbahan ay kasunod ng nakababahala na umanong pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng dengue at leptospirosis sa bansa.

Ang “Oratio Imperata for Dengue Fever and Leptospirosis” ay babasahin sa English at Tagalog.

Una nang idineklara ng Department of Health ang “national dengue epidemic” kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng dengue.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page