top of page
Search

Tsaa, mabisang gamot sa sugat sa pag-aahit, mabahong paa, pagod na mga mata etc.

Justine Daguno

KARAMIHAN sa atin, lalo na sa mga nagpapapayat ang suki ng tea o tsaa dahil marami nang nakapagpatunay na epek­tibo itong pampababa ng tim­bang, ga­yundin, nakatutulong ito na ma­pa­ganda ang ating balat. Pero, alam ba ninyo na hindi lang ‘yan ang kaya ni­tong gawin?

Narito ang ilan pang mga bagay na puwedeng paggamitan ng kapaki-pakinabang na tsaa:

1. FIRST AID SA RAZOR BURN. Hassle para sa kalalakihan kapag nagse-shave sila, tapos, mapurol ang razor blade, sigurado, sugat pa more! Pero, worry no more dahil ma­katutulong dito ang tea.

Paano? Dahan-dahan lamang i-apply ang basang teabag sa apektadong area ng ilang minuto hanggang sa mawala ang pamumula at hapdi ng balat.

2. PANTANGGAL NG AMOY SA MGA PAA. Hindi lang pampa-relax ang tea dahil puwede rin itong remedyo sa ‘smelly feet’. Ibabad lamang ang mga paa sa brewed tea sa loob nang 20 minuto at banlawan ng ma­ligamgam na tubig. Gawin ito bago o pagka­tapos maligo, depende sa trip mo.

3. PANG-MARINATE NG MATI­GAS NA KARNE. Para kay nanay na problemado kung paano palalambutin ang karne, huwag mag-alala dahil sagot pa rin ‘yan ng tsaa! Ibabad ang 4 tablespoons ng black tea leaves sa kaserola na may maligam­gam na tubig sa loob nang 5 minuto. Pagkata­pos, salain ang tubig upang maalis ang mga dahon.

Lagyan ito ng ½ cup ng brown sugar at haluin hanggang sa ma-dissolve at itabi sandali. I-season ang karne ng asin, paminta, sibuyas at garlic powder at saka ilagay dito ang itinabing mixture ng tsaa at brown su­gar.

Pagkatapos ng ilang minutong pagbabad, ilagay ito sa oven na naka-preheat ng 165oC sa loob ng 90 minuto at ‘yun na!

4. USEFUL PARA HINDI MA­LANTA ANG ROSE. Oks din ang tea para sa halaman, partikular sa rose. Lagyan ng bago o gamit ng tea leaves (teabags) ang vase o paso nito at saka diligan ng tubig. Ang tea ay may natural na tannic acid na makatu­tulong upang mapanatiling fresh ang mga rose.

5. NAKAKA-RELIEVE NG MGA MATA. Ibabad lamang ang teabags sa warm water at idampi ito sa paligid ng mga mata nang 15-20 minutes. Ang tannins o ‘yung mismong compounds sa tea ay nakatutulong para mawala ang puffiness at pagod ng mga mata.

Tulad ng wine at kape, maraming uri, timpla, estilo at useful benefit ang tsaa. Kaya, walang masama kung susubukan natin ito, mga beshy. Okidoki?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page