PATULOY na magdudulot ng mga pag-ulan at malakas na hangin ang Severe Tropical Storm Ineng habang papalayo sa teritoryo ng Pilipinas at may inaasahang bagong Low Pressure Area (LPA) o namumuong sama ng panahon na papasok sa bansa.
Ayon sa weather forecaster na si Gener Quitlong, halos hindi pa gumagalaw ang LPA na nasa bahagi ng Mindanao dahil nagkakaroon umano ito ng interaksiyon sa Bagyong Ineng.
Tinataya ng PAGASA na tatama sa kalupaan ng Central Luzon ang nasabing LPA.
Kung magiging ganap na bagyo ay tatawagin itong ‘Jenny’.